top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

WFH isinusulong sa pagtugon sa energy crisis

3/28/26, 1:15 PM

BONIFACIO GLOBAL CITY, Taguig — Sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolinahan at mga pangunahing bilihin, unti unting nagiging malinaw na hindi na lamang ito usapin ng ekonomiya ito ay usapin ng pang-araw-araw nating pamumuhay.

Isa sa mga pinakapraktikal na tugon sa krisis ay ang muling pagtuon ng pansin work-from-home (Wfh) setup sa ating trabaho.

Ito ang ipinahayag ni Filipino Consumers for Reform (Filcore) secretary General at spokesperson Tracy Cabrera nang lakapanayam ng Senior Times ukol sa situwasyon ngayon maharaan and deklarasyon ng State of National Energy Emergency (SoNEE) ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.

Ayon kay Cabrera, kung iisipin umano, malaking bahagi ng konsumo sa enerhiya ay nagmumula sa transportation at gayun din sa pagbubukas o operasyon ng ating mga tanggapan o opisina.

"Araw-araw na biyahe, trapik at pagsusunog ng gasolina, lahat ng ito ay nag-aambag sa mas mataas na demand sa langis. Sa simpleng pananatili sa bahay para magtrabaho, nababawasan ang konsumo, hindi lamang ng indibiduwal kundi ng buong sistema," kanyang pinunto.

Idinagdag pa nito na hindi lang umano tungkol sa pagtitipid ang mahalaga sa gitna ng krisus.

" Ang WFH ay nagdudulot din ng mas maayos na kalidad ng buhay. Mas kaunting oras sa biyahe, mas maraming oras sa pamilya at mas flexible na schedule. Sa panahon ng krisis, ang ganitong setup ay hindi lamang alternatibo kundi isang main am na estratehiya," aniya.

Sa huli, nagpaalala si Cabrera na hindi lahat ng trabaho ay kayang gawin sa bahay subalit para sa mga industriyang posible ito, dapat itong hikayatin at suportahan hindi lamang ng pribadong sektor kundi pati ng pamahalaan.

"Maaaring magbigay ng insentibo sa mga kumpanyang magpapatupad ng WFH upang mabawasan ang energy demand at consumption sa local at national level. Ang krisis sa enerhiya ay isang paalala na kailangan nating baguhin ang ating nakasanayang sistema. Ang WFH ay hindi lang pansamantalang solusyon, kundi isang hakbang patungo sa mas sustainable at resilient na kinabukasan," kanyang pagtatapos.

Photo attachment: FB_IMG_1768992032915_edit_11585626660319.jpg

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page