

Simbahan sa Rizal pinasara dahil sa ‘illegal recruitment’
.png)
5/2/25, 9:56 AM
Ni Tracy Cabrera
ERMITA, Maynila — Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang simbahan sa bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal kaugnay ng mga alegasyon na ginagamit ito bilang front para sa illegal recruitment.
Ayon kay Czar Eric Nuqui, hepe ng NBI-Cavite North District Office, kumukolekta ang isang miyembro ng nasabing simbahan ng halagang ₱50,000 mula sa bawat biktima na kanyang pinapangakuhan ng trabaho sa Japan, Papua New Guinea at South Korea.
“We received information that some victims were able to leave the country, but did not get the work they were promised,” ani Nuqui.
Sa imbestigasyon, lumitaw na pinapangakuhan ng empleyo ang mga nare-recruit bilang mga factory at construction worker, tea picker, clerk, accountant at engineer na may suweldong mula ₱36,000 hanggang ₱120,000.
Napagalaman na sinasabihan ang mga nabiktimang aplikante, na inisyuhan lang ng mga tourist visa, na magpakilala silang mga misyonaryo at immigration counter.