top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Reporma sa corn tariff hiniling upang bumaba ang presyo ng karne

3/19/26, 9:44 AM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Habang tumataas na ang halos lahat ng presyo ng mga pangunahing bilihin, nananawagan ang Foundation for Economic Freedom (FEF) sa adminidtrasyong Marcos Jr. upang magpatupad ng reporma sa import tariff ng mais at itakda ito sa uniform five percent nang sa ngayo'y bumaba ang halaga feeds at mapababacna rin ang presyo ng manok at baboy.

Sa kanilang apila sa gobyerno, tinukoy ni FEF president Calixto Chikiamco na "ang repormang hinihiling nila'y i-liberalize ang corn imports, bawasan ang out-quota tariff sa 5 porsyento at magtakda ng uniform value para sa in-quota at out-quota raw corn imports.”

Sa kasalukuyan, pinapatupad ang five percent tariff sa corn imports na nakapaloob sa minimum access volume (MAV) o in-quota ng imported na mais habang ang pag-aangkat sa labas ng MAV, o sa out-quota, ay pinapatawan ng porsyentong taripa.

“Ang input tariff sa mais ay limang porsyento at ang output tariff imnala'y nasa15 percent. May kaugnayan ang five percent input tariff sa MAV na 216,939 metrikong tonelada, pero ang demand sa mais ay lubhang mas mataas, nasa 5 bilyong metriko tonelada,” pinunto ni Chikiamko.

Ipinaliwanag niyang kailangang tugunan ng pamahalaan ang usapin sa ilalim tariff setup na nagreresulta na halos lahat ng importation ng mais at pinapatawan ng porsyentong tariff level.

Nilinaw niya na ang panukalang reporma sa taripa sa mais ay makakabawas sa halaga ng feeds na magreresulta naman sa Mababang presyo ng manok at baboy.

“Feeds currently make up about 50 to 70 percent of production costs for both pork and chicken and corn is an ingredient in feeds, being primarily an energy source in compound feeds. So, lowering corn tariffs could result in a 2 percent decline in pork prices and a 1.7 percent reduction in chicken prices,” aniya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page