top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

PhP200K bounty itinakda para sa "duwag" na killer ng babaeng DPWH engineer

3/9/26, 10:37 AM

Ni Annietha Fae Mar

CATARMAN, Northern Samar- Umabot na sa PhP200,000 ang alok na pabuya para sa ikadarakip ng isang sundalo na pangunahing suspect sa pagpaslang sa isang babaeng inhinyero ng Department of Public Works and Highways sa Catarman, Northern Samar.

Nag-ambag ng tig-Php 100,000 sina DPWH Secretary Vince Dizon at dating Northern Samar Rep. Paul Daza bilang bounty para sa anumang impormasyon na magreresulta sa pagdakip kay Sgt. Jerome Lluz Tejero, isang aktibong miyembro ng Philippine Army.

Binaril at nagtamo ng sugat sa ulo si Karen Corsino del Valle, 25, sa isang insidente na nagyari sa Catarman nitong Lunes (Marso 9). Namatay agad si Corsino matapos na barilin umano ni Tejero.

Nagtamo naman ng sugat ang kapatid ni Del Valle at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

Dating magkasintahan umano ang pinasalang ng DPWH engineer at ang nagtatagong suspek.

Sa isang pahayag sinabi ng DPWH na nakikiisa sila sa pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

“DPWH stands in solidarity with Engr. Del Valle's family and urges authorities to conduct a swift and thiorough investigation,” sinabi ng ahensya.

Nanawagan naman ang pamilya ng mga biktima na sumuko na si Tejero at huwag maging duwag sa pagharap sa hustisya dahil sa ginawa niyang karumal-dumal na krimen.


Photo from GMA News Online

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page