Olivarez pinangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa 18K tsuper, 7k trike driver

3/20/26, 6:00 AM
Ni Tracy Cabrera
PALANYAG, Parañaque — Huwebes at Biyernes, Marso 19 at 20, nang pangunahan ni Parañaque City mayor 'Kuya' Edwin Olivarez ang pamamahagi ng ₱5,000 fuel subsidy sa mga driver ng pampublikong sasakyan sa lungsod upang kahit papano'y maibsan ang matinding epekto pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo at iba pang produktong petrolyo.
Hinayag ng alkalde na kabilang sa lakakatanggap ng subsidiya ay ang aabot sa 18,000 mga tsuper at gayun din ang mahigit 7,000 mga tricycle driver.
Bago rito ay inabisuhan na ang mga benepisyaryo ng ayuda noong Lunes nang pulungin ni Olivarez ang mga kinatawan ng mga PUV operator, tsuper at trike driver sa magkahiwakay na okasyonsa sa Barangay Palanyag at Don Bosco.
city government of Parañaque announced that around 15,000 to 18,000 jeepney drivers will be included in the second phase of the ₱5,000 fuel subsidy distribution, amid rising fuel prices linked to the ongoing conflict in the Middle East.
Parañaque City Mayor Edwin Olivarez made the announcement during the kickoff of the subsidy distribution for more than 7,000 tricycle drivers on Tuesday, March 17, held at the Palanyag Gym and Don Bosco Gym.
Pinayuhan ni 'Kuya Edwin' ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na hindi napasama sa unang listahan na bibigyan ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makipag-coordinate sa kzni-kanilang TODA presidents o kaya'y magparehistri na sa ilalim ng Parañaque HELP Card system upang magkaroon sila ng access sa tulong at serbisyong ipinagkaloob sa publiko ng pamahalaang lungsod.
Idinagdag pa nito na pinag-aaralan na nila ngayon ang podibilidad ng karagdagang tulong, depende sa available na pondo ng lungsod, habang patuloy siyang dumadalaw sa mga payout center upang tiyakin na maayos at mabilis ang proseso ng pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.
“Pag-aaralan po ng ating pamahalaan kung baka may second round pa ito at may third round pa. Ia-update po namin kayo tungkol diyan” (The government will look into the possibility of a second round or even a third round. We'll update you about it),” pinunto ni Olivarez.
Una rito'y hinayag ng DSWD na Nakapagtala na sila ng 25 TODA na makakatanggap ng ayuda upang maibsan ang inaasahang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo sanhi ng giyera sa Middle East sa pagitan ng Iran at mga kalaban nitong pinangungunahan ng Israel at Estados Unidos.
