top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Nawawalang 12-anyos na dalagita, natagpuang pugot ang ulo

2/21/26, 8:03 AM

CEBU - Pugot ang ulo at nakatali sa isang puno nang matagpuan ang mga labi ng isang 12-anyos na batang babae sa Toledo City, Cebu.

Iniulat ng mga awtordiad na nadiskubre ang katawan ng nawawalang bata sa magubat na lugar ng barangay sa Toledo City.

Kinilala ang biktima bilang si Crystal Joy Abarquez na unang naiulat na nawawala noong Pebrero 11.

Isang aso ang unang naka-diskubre ng isang paa ng biktima at ito ay sinundan ng mga tao patungo kung saan naroon ang bangkay ng bata.

Pugot ang ulo ng biktima at nakatali sa puno. Ang ulo naman ay natagpuan malapit sa katawan nito.

Ayon sa may-ari ng aso, nakita ng kanyang ama ang alaga habang kagat-kagat ang paa ng biktima.

Daglian nilang ini-report ito sa barangay na nagsagawa rin agad ng search sa may bulubundukin ng komunidad.

Matinding lungkot at galit ang nadama ng ina ng biktima na si Christine Abarquez. Nanawagan siya ng agarang pagkilala at pagdakip sa sinuman ang nasalikod ng brutal na krimen.

Ayon sa kanya, nagsimula mag-alala ang pamilya Abarquez noong napansin nilang matagal nang wala sa bahay ang bata. Maka-ulit nilang tinawagan sa telepono ang biktima ngunit hindi sila sinasagot.

“Sobrang sakit ang ginawa ng mga kriminal na gumawa nito sa aking anak. Sana tulungan kami ng pamahalaan upang madakip ang salarin,” sabi ni Abarquez.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page