Luzon, Visayas mananatili ng maulap sanhi ng amihan

3/16/26, 4:30 AM
Ni Tracy Cabrera
DILIMAN, Lungsod Quezon — Mananatiling maulap ang himpapawarin habang nagpapatuloy ang northeast monsoon system o amihan na nakakaapekto sa Luzon at Kabisayaan para makaranas ng kaunting ulan sa ilang lalawigan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Inanunsyo ng PAGASA na ilang bahagi sa Bicol Region at northern Luzon—kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga at Mountain Province—ang inaasahan magkakaroon ng pag-ulan habang hindi naman titindi ang nasabing kondisyon sa susunod na mga araw.
Inabisuhan nito ang mga residente sa Kalakhang Maynila, ang ibang bahagi ng Luzon, Kabisayaang, Dinagat Islands at Surigao del Norte na asahan ang maulap ng kalagayan na may kasamang occasional light shower dala ng amihan.
Sa ibang lugar sa Mindanao, pinagsabihan ang publiko na paghandaan ang mga localized thunderstorm na maaaring mag-develop para lag dulot ng moderate rain shower na makakapagbunsid ng mga flash flood o landslide kapag tumindi ang panahon.
Batay sa pagsusuri ng mga weather expert, makakaapekto ang malakas na hanging amihan sa Northern Luzon at mga eastern section ng Luzon at Visayas para lumikha ng moderate hanggang rough na karagatan na may mga along aabot sa 3.7 metro ang taas. Ang ibang bahagi naman sa Mindanao ay makakaranas ng lighter winds at mas kalmadong dagat.
Nakapag-record ang PAGASA ng maximum na temperaturang nagtalaga sa 29.6° at minimum na 17.1° centigrade sa nakalipas na 24 oras.
