Impeachment complaints vs Marcos tuluyan nang ibinasura

2/11/26, 10:15 AM
Ni Samantha Faith Flores
Sa tulong ng mga kaalyado sa Mababang Kapulungan, nalusutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang impeachment petition nanaglalayong patalsikin siya sa puwesto dahil samalawakang korapsyon sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Sa boto na 284 para sa pag-apruba ng Committee on Justice Report No.111, ibinasura ng mga mambabatas ang dalawang impeachment complaints. Insufficiency in substance ang idinahilan ng komite upang bale-walain ang reklamo.
Walo naman ang umayaw sa committee report habang apat ang nag-abstain.
Dahil sa pagbasura ng reklamo, hindi maaaring tangkain muling patalsikin si Marcos hanggang sa Enero 26, ang araw na kinonsiderang “initiated”na ang impeachment complaints.
Dalawa ang isinampang reklamo laban kay Marcos bagamat may ikatlo pang grupo ang nagtangkang maghain.
Ang isa sa binalewalang reklamo ay galing sa abogadong si Andre de Jesus na inakusahan ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na kaalyado ng mga Marcos.
Ang ikalawa naman ay inihain ng Makabayan bloc sa pangunnguna ng dating Reps. Liza Largoza-Maza, Teodoro Casino at Nery Colmenares.
Ang ikatlong grupo na pinangungunahan ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson ay nadismaya dahil sa pag-ayaw ng tanggapan ni Secretary General Cheloy Garafil na tanggapin ang kanilang reklamo.
Si Garafil ay nasa labas ng bansa nang ihain ang demanda.
“Complaints that are fundamentally insufficient in substance must be dismissed, not indulged for the sake of political theater,” diin ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, tagapangulo ng justice panel.
Hindi naman daw maituturing na tama ang desisyon ng komite sapagkan ang impeachment proceedings ay talagang pulitikal na pagkilos
