Ilang bahagi sa Metro Manila, 4 na probinsya magkakaroon ng power, water interruption

4/20/26, 8:00 AM
Ni Tracy Cabrera
MAYNILA, Pilipinas — Ilang area sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite and Rizal ang magkakaroon ng power at water interruption ngayong linggo sanhi ng isasagawang maintenance works.
Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), kabilang sa mga apektadong lugar sa Quezon City ay ang Barangay Sangandaan mula Abril 19 hanggang 20 sa pagitan ng alas-11:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng umaga sa susunod na araw.
Ayon sa Meralco, ang dahilan ng mga interruption ay line reconductoring work at pagpapalit ng mga pasilidad sa kahabaan ng Marcel Drive at Reparo Road.
Ilang bahagi rin ng Filinvest 2 Subdivision sa Batasan Hills ay magkakaroon ng power interruption sa Abril 21 sa pagitan ng alas-9:00 a.m. at 2:00 p.m. dahil din sa line reconductoring work sa Pratt, Gandhi, Atlas at Grant street. Samantala, ilang bahagi ng Bgy. Pinyahan ay mawawalan ng kuryente sa Abril 22 hanggang 23 mula 11:00 p.m. hanggang 11:30 p.m. at sa pagitan ng 3:30 a.m. at 4:00 a.m. sanhi ng line maintenance work.
Gayun din, ilang lugar sa Bgy. Holy Spirit at Pasong Tamo ay may power interruption mula Abril 22 hanggang 23 sa pagitan ng 11:30 p.m. at 5:30 a.m. dahil sa line reconstruction at reconductoring work at pagpapalit ng mga poste ng kuryente.
Sa Pasig City, ilang bahagi ng Bgy. Kapitolyo ay mawawalan ng kuryente sa Abril 22 sa pagitan ng 9:00 a.m. at 2:00 p.m. sanhi ng pagpalit ng ilang posted ng kuryente at line reconstruction work sa Fairlane St.
Sa Batangas, may mga lugay sa Batangas City at sa mga barangay Kumintang Ilaya, Kumintang Ibaba, Alangilan, Soro Soro Karsada, Mahabang Parang, Concepcion, Bukal, Balete, Banaba Center, Banaba East, Banaba South at Balagtas ang magkakaroon ng power interruption sa Abril 20 sa pagitan ng 12:00 a.m. at 5:00 a.m. dahil sa paglipat ng pasilidad sanhi ng konstruksyon ng Balagtas Flyover.
Sa Bulacan, ilang bahagi ng Bgy. Taal sa Pulilan ang apektado sa Abril 23 sa pagitan ng 10:00 a.m. at 1:00 p.m. dahil sa line conversion work at paglalagay ng mga pasilidad sa kahabaan ng Caingin Road sa Bgy. Taal.
Sa Cavite, ilang komunidad sa Alfonso, Heneral Emilio Aguinaldo, Hen. Trias City, Magallanes, Maragondon, Naic, Tanza, Ternate and Trece Martires City ang mawawalan ng kuryente sa Abril 20 at 21 sa pagitan ng 11:30 p.m. at 11:59 p.m. at gayun din sa pagitan ng 6:01 a.m. at 6:30 a.m. sanhi ng line construction work para sa Meralco Osorio substation.
Kaugnay nito, ilang bahagi sa Bgy. Pasong Kawayan 1 sa Hen. Trias City; mga barangay Cabuco, De Ocampo at San Agustin sa Trece Martires City; Bagong Kalsada, Bancaan, Bucana Malaki, Bucana Sasahan, Gomez-Zamora, Halang, Humbac, Ibayo Estacion, Ibayong Silangan, Kanluran, Labac, Latoria, Mabolo, Munting Mapino, Nazareno, Sabang, San Roque, Santulan, Sapa, Timalan Balsahan, Timalan Concepcion at Timalan Lontoc sa Naic; at Amaya 1, Amaya 2, Amaya 3, Amaya 4, Amaya 5, Amaya 6, Amaya 7, Bagtas, Biga, Bunga, Calibuyo, Capipisa, Daang Amaya 1, Daang Amaya 2, Halayhay, Lambingan, Mulawin, Paradahan 1, Paradahan 2, Punta 1, Punta 2, Sahud Ulan, Sanja Mayor, Santol, Tanauan, Timalan Lontoc at Tres Cruses sa Tanza ay magkakaroon ng maikling power interruption mula Abril 21 hanggang 25 sa pagitan ng 11:30 p.m. at 11:59 p.m. at 6:01 a.m. hanggang 6:30 a.m.
Sa Antipolo, Rizal, ilang lugar sa Bgy. Inarawan ang mawawalan ng kuryente sa Abril 21 sa pagitan ng 10:00 a.m. at 3:00 p.m. dahil sa line reconductoring works.
Samantala, inanunsyo naman ng Manila Water na sa Makati City, ilang bahagi ng Bgy. Bel Air ay mawawalan ng tubig sa Abril 21 at 22 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 5:00 a.m. sanhi ng line maintenance activities sa panulukan ng Jupiter at Planet Sts.
Sa Taguig City, may mga lugar sa Bgy. Central Signal at South Signal ang magkakaroon ng water interruption sa Abril 21 at 22 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 4:00 a.m. dahil sa zero pressure testing activities sa Damayan Luz Viz.
Ilang bahagi din ng Bgy. Western Bicutan ang mawawalan ng tubig sa Abril 23 at 24 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 4:00 a.m. dahil din sa zero pressure testing activities kalaput ng Veterans Habitat.
Sa Rizal, may mga lugar sa Bgy. Dolores, Taytay ay magkakaroon ng service interruption sa Abril 20 at 21 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 4:00 a.m. dahil sa step testing works sa panulukan ng Jupiter St. at L.Wood Avenue.
Ilang porsyon ng Bgy. San Juan at Bgy. Dolores ay mawawalan din ng water supply sa Abril 20 hanggang 21 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 4:00 a.m. sanhi ng zero pressure testing activities sa kahabaan ng National Rd.
Sa Cainta, ilangblokasyon sa Bgy. San Isidro ay magkakaroon ng service interruption mula Abril 21 hanggang 22 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 4:00 a.m. dahil sa step testing works sa Brookside Hills Subdivision.
Sa Antipolo, ilang bahagi ng Bgy. Mambugan ay mawawalan ng tubig sa Abril 21 at 22 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 4:00 a.m. sanhi ng pagpapalit ng line meter sa kahabaan ng Sumulong Highway.
Ilang lugar sa Bgy. Dela Paz ay magkakaroon ng water interruption sa Abril 22 hanggang 23 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 6:00 a.m. dahil sa pagpapalit din ng line meter sa Taktak Road.
Gayun din, ang ilang bahagi ng mga barangay ng Mambugan, Mayamot at Cupang ay mawawalan ng tubig mula Abril 23 at 24 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 6:00 a.m. sanhi ng line replacement activities sa Marcos Highway.
Sa Rodriguez, Rizal, ilang bahagi sa Manggahan, Geronimo, San Rafael at Balite ay magkakaroon ng water interruption sa Abril 21 at 22 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 4:00 a.m. dahil sa pagpapalit ng line meter sa Millex Road.
Sa kabilang dako, hinatag ng Maynilad na ilang lugar sa Bgy. 313, 314, 329, 330 and 335 sa Santa Cruz, Maynila ay mawawalan ng tubig mula Abril 19 hanggang 26 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 5:00 a.m. sanhi ng leak exploration activities.
Sa Tondo, ilang lokasyon sa Bgy. 124, 128, 129, 130, 131, 132, 133, 134, 135, 136, 137, 138, 139, 140, 141, 142, 143, 144, 145, 146, 177, 179, 180, 181 at 182 ang magkakaroon ng water interruption mula Abril 19 hanggang 26 sa pagitan ng 10:00 p.m. at 5:00 a.m. dahil din sa leak exploration works.
Gayun din, ilang bahagi ng Bgy. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 56, 57, 58, 59, 60, 61, 62, 63, 64, 65, 74, 75, 76, 78, 81, 147, 148, 149, 150, 151, 152, 153, 163, 168, 169, 170, 171 at 172 sa Tondo ang makakaranas ng service interruptions mula sa Abril 20 hanggang 26 sa pagitan ng 12:00 a.m. at 3:00 a.m. sanhi rin ng leak exploration activities.
Sa Caloocan City, ilang lugar sa Bgy. 36, 39, 40, 187, 188, 189, 190, 191, 192, 193, 194, 195, 196, 197, 198, 199, 200, 201, 202, 203, 204, 205,206, 207, 208, 209, 210, 211, 212, 213, 214, 215, 216 217, 218, 219, 220 at 202-A ang magkakaroon ng water interruption mula Abril 20 hanggang 26 sa pagitan ng 12:00 a.m. at 3:00 a.m. dahil din sa leak exploration works.
Sa Valenzuela City, ilang porsyon ng Bgy. Hen. T. De Leon, Karuhatan, Malinta, Marulas, Maysan at Parada ang makakaranas ng water service interruptions sa Abril 20 hanggang 23 sa pagitan ng 12:01 a.m. at 4:00 a.m. sanhi ng network maintenance activities.
Finally, sa Imus City, Cavite, ilang lugar sa Bgy. Alapan I-C, Anabu I-A, Anabu I-B, Anabu I-C, Anabu I-D, Anabu I-E, Anabu I-F, Anabu II-A, Anabu II- B, Anabu II-C, Anabu II-D, Anabu II-E, Bayan Luma I, Bayan Luma II, Bayan Luma III, Bayan Luma IV, Bayan Luma V, Bayan Luma VI, Bayan Luma VII, Bayan Luma VIII, Bayan Luma IX, Bukandala III, Bukandala IV, Bukandala V, Carsadang Bago I, Carsadang Bago II, Malagasang 1-A, Malagasang I-B, Malagasang I-C, Malagasang I-D, Malagasang I-E, Malagasang I-F, Malagasang I-G, Medicion I-B, Poblacion III-B, Poblacion IV-B, Poblacion IV-D at Tanzang Luma VI ang mawawalan ng tubig sa Abril 20 hanggang 24 araw-araw sa pagitan ng 5:00 a.m. at 12:00 a.m. dahil sa mataas na water demand sa Patindig Araw pumping station.
