GSIS naglaan ng ₱306-M emergency loan sa mga miyembro ng biktima ng bagyong Basyang sa Iligan City

3/13/26, 11:15 AM
Ni Tracy Cabrera
ILIGAN CITY, Lanao del Norte — Sa layuning makapagbigay ng agarang financial relief sa kanilang mga benepisyaryo't pensyonado, naglaan ng mahigit ₱300 milyon ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa kanilang mga aktibong miyembro sa Iligan City.
Ayon kay GSIS president and general manager Jose Arnulfo 'Wick' Veloso, ang alokadyon ng aabot sa ₱306 milyon ay magbibigay-daan para sa mahigit 13,000 miyembrong karamihan ay may edad na at disabled ng makahiram ng pera para makatulong sa kanilang recovery, tulad nang pagsasaayos ng naira nilang bahay at ari-arian.
Kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ay mga first responder sa hanay ng mga health worker, kawani ng local government at iba pang mga frontline GSIS member, na kahit may kritikal na bahagi sa krisis ay nakaranas din ng Hirap sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.
Tinukoy ni GM Veloso na layunin ng pinagkakaloob na emergency loan na maibsan ang bigat ng problema ng lga biktima sa pamamagitan ng pagbigay ng pinansyal na oportunidad habang patuloy na pinangangalagaan ang publiko sa panahon ng sakuna o mga emergency.
Hinayag niya na ang eligible sa emergency loan ay yaong mga aktibong miyembrong nagtatrabaho o naninirahan sa mga lugar na tinamaan ng bagyo, basta't wala silang unpaid GSIS loan labis sa anim na buwan, hindi nasa unpaid leave, may tatlong buwang paid premium sa loob ng anim na buwan, walang pending administrative o criminal case at mayroong monthly take-home pay na hindi bababa sa ₱5,000 matapos ang mga deduction.
"Old-age and disability pensioners may also apply, provided they retain at least 25 percent of their monthly pension after loan deduction. However, those with current emergency loans may borrow only up to ₱40,000 to settle previous loan balances, ensuring a maximum net amount of ₱20,000. Those without any outstanding emergency loan may apply for a ₱20,000 loan," idinagdag niya.
Hinayag pa ni Veloso na ang emergency loan ay maaaring mabayaran sa 36 na equal monthly installment na may 6 na porsyentong interest rate kada taon.
"The loan carries no processing fee and is covered by a loan redemption insurance, which deems the loan fully paid in case of the demise of the borrower, provided that loan payment is up to date. The first deduction for the loan payment has a two-month grace period," sinabi din nito.
Para sa mga nteresadong miyembro, maaari silang lag-apply online sa GSIS Touch mobile app. Deadline para sa filing ng application ay itinakda sa Marso 26, 2026.
Loan proceeds will be credited directly to the member's ATM account.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring dumalaw sa opisyal na GSIS website o sa mga social media channel. Para sa mga katanungan, mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph o tumawag sa GSIS Contact Center asa (02) 8847-4747 (Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (Globe at TM) o 1-800-10-847-4747 (Smart, Sun at Talk ‘N Text).
