top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Dating mga terorista na naging drug pusher huli sa PhP2.5-M buy bust

3/2/26, 1:00 PM

COTABATO CITY - Apat na dating mga kasapi ng teroristang Maute Group ang nasakote ng mga pulis matapos na mahulihan ng PhP2.6-milyon na halagang shabu sa isang buy-bust operation dito.

Dinampot ang apat na suspek habang iniaabot sa mga police asset ang may 388 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PhP2.6-milyon .

Nangyari ang buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Saguiaran, malapit sa Marawi City noong Pebrero 28, ayon sa mga pulis.

Ayon kay Brig.Gen. Jaysen De Guzman, direktor ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang apat na nadampot ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa isang pulong balitaan, kinilala ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. ang mga umanoy drug traders bilang sina Fahad Lumiguis Alangca, Osmeña Domado Usman, Jamal Pasca Ali at Nani Ibrahim Karim.

Ayon kay Adiong ang apat ay nauugnay sa Dawlah Islamiya terror group na nabuwag na.

Ang mga dating terorista ay supplier rin umano ng mga marijuana sa maraming lugar sa probinsya.

Sinabi rin ni De Guzman na ikinasa ang entrapment operation sa tulong ni Adiong at mga lokal na opisyal ng Saguiaran.

Malaki rin ang naiambag ng mga lider ng mga komunidad na Maranao sa matagumpay na police operation.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page