top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Aklan congressman pinadidiskuwalipika dahil sa vote buying

5/1/25, 8:52 AM

Ni Tracy Cabrera

KALIBO, Aklan — Tila ba walang bilib ang ilang mga kandidato sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng kampanya nito laban sa pamimili ng boto dahil isa na namang reeleksyonistang congressman ang inireklamo ng vote buying ng dalawang barangay captain mula sa Makato, Aklan.

Naghain sa Comelec sina punong barangay Henry Olid at Shirly Lagradante, mga kapitan ng Bgy. Tibiawan at Poblacion, ng petition for disqualification laban kay reelectionist Aklan District II representative Teodorico 'Nonong' Haresco Jr.

Sa kanilang petisyon, sinabi nina Olid at Lagradante na personal nilang nasaksihan ang staff ni Haresco na si Shiela Puod at ang asawa nitong si bgy. kagawad Ronilo habang namimigay ng pera kapalit ng suporta sa kandidatura ni Haresco sa mismong bahay ng mga ito sa Barangay Tibiawan.

Dawit din sa reklamo laban sa mag-asawang Puod, ang dalawang contract-of-service worker mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region VI na sinasabing naroroon din sa payout.

Ayon kay Olid, ipinaalam sa kanya ng isang May Jean Puod ang tungkol sa nagaganap na pamimigay ng pera sa bahay ng mag-asawa. Kaagad silang nagtungo ni Lagradante at iba pang kasamahan sa lugar upang beripikahin ang ulat.

“Complainant Olid, together with Complainant Lagradante and others, immediately proceeded to the identified location to verify the report. Upon arrival, they personally observed Shiela Puod seated at the terrace of her residence, with bundles of one thousand-peso bills (₱1,000.00) laid out on a table, some attached with labels bearing names and photocopied voter identification cards,” sinalaysay ng mga nagrereklamo sa kanilang petisyon.

“Present with her were Kagawad Ronilo Puod and four other individuals who appeared to be awaiting their turn to be called,” hinayag pa sa reklamo.

Kabilang sa isinumiteng ebidensya nina Olid at Lagradante ang mga larawan, video at sworn affidavit ng mga saksi sa ginawa ng pamimili ng boto ng tauhan ni Haresco.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na tugon ang kampo ni Haresco kaugnay ng kaso subalit matatandaang dati nang inugnay ang kongresista noong 2014 ukol sa pekeng special allotment release order (SARO) scam.
Bukod kay Haresco, nirekomenda ring kasuhan sa Department of Justice (DoJ) sina Emmanuel Raza, na staff member ni Zamboanga City congresswoman Lilia Macrohon-Nuno; Elvie Rafael, driver ng noo'y budget undersecretary Mario Relampagos; Bhernie Beltran, sinasabing empleyado ng Department of Budget and Management (DBM); at Mary Ann Castillo, na consultant ni Haresco.

Hinamon naman ni Haresco ang NBI sa findings nito na siya'y criminally liable sa sinasabing pekeng SARO para sabihing walang kapabilidad ang kanyang tanggapan na mag-produce nito at wala din silang paggagamitan ng isang bogus order.

Ayon sa mambabatas, “flabbergasted” umano siya sa findings ng NBI, lalo na ang mismong mga staff niya ang mga complainant kaugnay ng mga pekeng dokumento.
“I’m asking the NBI to reinvestigate because how can it be that my office can be an originator of fake SAROs when we have no capability at all. We don’t know how the Saro document (is produced). We have an idea but we don’t know the code number, the signatories, the serial number or bar code,” wika nito sa panayam.

"A fake Saro would serve no purpose for him. What will it benefit me if I have an advance notice? What will I get out of it except to announce (it) prior to the construction of the project?” dagdag niya.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, naging modus ng sindikatong nasa likod ng pekeng SARO ang pag-photocopy ng mga advance copy ng pekeng SARO saka ibigay ang mga ito sa kanilang mga contact sa iba't ibang mga tanggapan sa Kamara de Representante na kung saan ang mga lagda ay superimposed para magmukhang genuine ang mga dokumento.

Kasunod nito, ipapakita na ang pekeng SARO sa local executive na kung saan isasagawa ang proyekto bago ipapakita naman ito ng local executive sa isang kontratista na bibigyan ng advance na hindi bababa sa 20 porsyentong ng project cost.

Sa imbestigasyon ng NBI, napagalaman ang operasyon ng “well-entrenched syndicate” sa loob DBM, na umaabot sa Kongreso, hinayag ni then justice secretary Leila De Lima.

“(S)ome DBM employees, who requested anonymity, hinted [at] the involvement of some other employees and a high-ranking official in SARO peddling. Hence, further and deeper investigation is warranted,” pinunto ni De Lima.

Si Aklan District II representative 'Nonong' Haresco. (Larawan mula sa Aklan Forum Journal)

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page