₱6.8-B illegal drugs na-recover sa Occidental Mindoro
.jpg)
3/11/26, 8:30 AM
Ni Tracy Cabrera
CAMP CAPINPIN, Tanay — Sa pagtugon sa ulat ukol sa abandonafong speedboat sa may dalampasigan ng isang barangay sa Occidental Mindoro, na-recover ng mga government trooper ang ilang sako ng pinaghihinalaang illegal drugs na nagkakahalaga ng halos ₱7 bilyon.
Sa kanyang report, inulat ni 2nd Infantry Jungle Fighter Division Public Affairs Office acting chief Colonel Michael Aquino na isang team ng mga sundalo at tauhan ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Active Auxiliary (CAA) mula sa 76th Infantry (Victrix) Battalion sa ilalim ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade ang rumesponde sa impormasyong ibinigay ng isang concerned citizen ukol sa twin-engine speedboat na nabalahaw kalapit ng Sitio Agbalite ng Barangay Harrison sa bayan ng Paluan.
Bunsod nito, agad nagsagawa ng verification operation ang mga awtoridad sa tinukoy na lugar at dito nadiskubre ang 43 akong nzglalaman ng white crystalline substances na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o 'shabu'.
Ayon kay Col. Aquino, natagpuan fin sa simadsad ng bangka ang isang Starlink communication device, walong bengala hand flare, tatlong fire extinguisher, apat na baterya, dalawang life jacket at dalawa ding lifebuoy.
Sa inisyal na pagsuma ng ma awtoridad, may potensyal na street value ang nakamkam na illegal drugs sa mahigit ₱P6.8 bilyon subalit ang tunay na timbang, komposisyon at halaga nito'y madedetermina kasunod ng isasagawang laboratory examination at verification ng kinauukulang mga law enforcement agency.
Samantala, idinagdag ni Aquino na pinagpapatuloy sa ngayon ng mga awtoridad na matukoy ang pinagmulan ng droga habang sinusuri ang lahat ng datos at impormasyong nakalap upang malaman ang pagkilanlan ng mga taong sangkot sa insidente.
