top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Walong seniors patay sa sunog sa retirement home sa Serbia

Photo from www.reuters.com

1/23/25, 7:19 AM

BELGRADE, Serbia - Walong residente ng nursing home para sa senior citizens ang namatay matapos na sumiklab ang sunog sa kanila tinitirhan sa Barajevo, Serbia.

Ayon sa unang ulat ng mga imbestigador, ang sunog sa elderly home ay gawa ng isa rin nakatatandang residente na kasama sa mga nalitson noong Lunes (Enero 20).

“There are indications that this tragedy was caused by criminal activity of one individual,” ayon kay Minister Nemanja Starovic ng Ministry of Labor, Employment and Social issues.

May lamang 30 katao ang retirement na nasa Barajevo, isang munisipyo sa Belgrade

Dahil sa matatanda na at mabagal nang kumilos ang iba sa mga residente, nakulong umano sila at namatay habang lumalagablab ang apoy sa loob ng nursing home.

Bukod sa walong namatay, may 12 iba pa katao, karamihan mga senior citizens, ang nagtamo ng sugat at paso.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page