top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Universal Social Pension vs additional 5% discount: Alamin opinyon ng mga senior citizens?

Photo from newsinfo.inquirer.net

2/8/25, 9:07 AM

Ni Annietha Fae Mar

Sari—sari ang opinyon ng mga nakatatandang Filipino nang pamiliin sila ng Senior Times.Ph kung ano ang higit nilang papanigang opsyon sa dalawang mungkahing dagdag tulong mula sa pamahalaan.

Iminungkahi ni Commissioner Rainier Cruz ng National Commission of Senior Citizens ang karagdagang 5% sa umiiral na 20% diskwento sa presyo ng gamot a pangunahing bilihin at serbisyo para sa mga senior citizens.

Ito ay kung sakaling hindi na talaga ipasa ng Kongreso ang panukalang Universal Social Pension Program na magbibigay ng buwanang PHP500 para sa lahat ng nakatatandang Filipino.

Tinanong ng Senior Times.Ph ang ilang mga organisasyon ng senior citizens kung payag sila sa mungkahi ni Cruz. Narito ang kanilang tugon:

Sina Oldies But Goodies members Estefania NIcol, Joaquin de la Cruz, Bonjing Garcia, Felicidad Obinario Garcia, Rrosita Masangkay ay payag sa karagdagang 5% diskwento.

Ang mga pangulo ng iba’t-ibang senior citizens organizations sa Quezon City ay nagbigay ng ganitong mga tugon:

BOBOT LLARENAS :”Tama po kayo if you do the mathematics. The 5% additional if you apply to hospitalization, purchases of basic commodities, drugs, medicines, food, transportation, etc is more beneficial than cash of 500 pesos or even 1,000 pesos.”

MANNY LAURIO: “Ayaw nga ibigay ang Universal pension. Ano ang ibang option?. F I wer to decide agree na ako sa 5%. Hehe…”

TED TORIBIO: “Sori I do not agree. Kung ang lahat ng binibiling products aside from essentials OK lang. Pero kung essentals lang...Universal Pension pa rin ako.”

Nagbigay rin ng reaksyon ang ilang miyembro at officers ng Marilag Senior Citizens Association.

LINA ELEFAñO - Di po ako payag. Kung magdadagdag, dapat idagdag ay 12 percent para 32 ang discount natin na makukuha

ADELFA COSTALES - Begttger na iyong discount in place na iyon and much bigger than 500 pesos. Just imaging your discount on your maintenance meds, mas malaki pa rin.

MARILYN PASCUA - No. Universal Pension pa din mas OK. Hindi naman tayo everyday nag-grocery at kumakain sa labas.

BERNADETTE SANTOS - Ako payag because 1. it will apply to all seniors na may hawak na ng senior discount card. 2. At in place na ang discount system. Yung Universal Social Pension baka maraming hindi mabigyan dahila wala sa listahan at hahanap pa ng pondo para dun. 3. At kung sakali sundinang Univ Social Pension, baka P500 lang ang mabibigay gaya sa sakalukuyang pension na ngayon lang nadagdagan at naging P1K.

Mula sa mga senior citizens by Rotary Club of Quirino-QC:

DING GALIAS - Hindi. Kawawa ang mga seniors na walang pambili. Kung pwede additional 5% sa mga seniors na may pambili tapos di na sila kasali sa USP ayuda - iyon lang may pambili

MARIO ‘BONG’ SANTOS - You will get PHP500 of 5% senior discount from your P10K monthly senior expenses. Kung walang ganyang expenses mas OK pa ang P500 USP;

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page