BALITANG SENIOR
Sharpshooters nag-eensayo para sa firing squad execution ng 67 anyos na death convict

Photo from www.nbcnews.com
3/3/25, 9:33 AM
COLUMBIA, South Carolina _- Isang team ng mga sharpshooters ang seryosong nag-eensayo na para sa kanilang gagawing pagbaril sa isang 67 anyos na lalaking haharap sa kauna-unahang firing squad execution ng estado ng South Carolina.
Sa darating na Biyernes, haharapin ni Brad Sigmon ang kanyang kamatayan na isasagawa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya ng isa sa kasapi ng grupo ng mga asintado.
Sa grupo ng ilang sharpshooters, hindi malalaman ng mga ito kung sino sa kanila ang makakapatay kay Sigmon sapagkat isa lamang sa mga ripleng gagamitin ang maglalaman ng tunay na bala.
May tatlo pa lamang firing squad execution ang naisagawa sa Estados Unidos simula nang mag-desisyon ang Supreme Court noong 1976 na naaayon sa US Constitution ang ganitong uri ng pag-kitil sa buhay ng isang death convict.
Ang tatlong firing squad execution ay pare-parehong nangyari sa Utah noong 2010, ayon sa impormasyon.
Si Sigmon ay 45 anyos nang nahatulang mabitay matapos na mapatunayan ng korte sa pagpatay sa mga magulang ng kanyang kasintahan noong 2001. Sina William David, 62 at Gladys Larke, 59 ay pinaghahambalos ni Sigmon ng baseball bat hanggang sa sila ay mamatay.
Ayon sa impormasyon, binutungan ni Brad ang mga magulang kanyang girlfriend matapos na makipag-break sa kanya ang babae.
Dalawang death sentences ang naging hatol kay Sigmon., Bukod sa double murder, napatunayan din ng korte naninakawan ng lalaki ang mga biktima kung kaya’t naharap pa rin siya sa 30 taon na prison sentence.
Kamakailan lamang ay pinapili si Sigmon ng paraan sa kanyang pagbigay at pinili niya ang firing squad kaysa lethal injection o silya elektrika.
“He’s made the best choice that he can, but the fact that he a to make it at all is horrifying,” ayon kay Gerald “Bo” King, abogado ng death convict.
