BALITANG SENIOR
Septuagenarians magkasunod na nalunod sa hiwalay na insidente sa bagong $600-M Bahamas resort

Photo from ABC News
8/18/25, 5:25 AM
Dalawang Amerikanong septuagenarians ang magkahiwalay na natagpuang patay sa magkaibang lugar ng languyan ng isang first-class resort sa Bahamas nitong Biyernes (Agosto 15), ayon sa mga opisyal ng nasabing tourist destination.
Sinabi sa report nitong Linggo parehong nalunod ang mga biktima noong Biyernes.
Lulan ng hiwalay ng cruise ships ng Carnival Cruise Line ang dalawang biktima ngunit sabay na dumating sa bagong bukas na $600-million private resort.
“Our lifeguards and medical team responded to two separate emergency incidents at Celebration Key on Friday - one in the lagoon and one at the beach. Sadly both guests have passed away,” ayon sa pahayag ng Carnival Cruise.
Inaasahan naman ang malalim na pagsisiyasat ng Royal Bahamas Police tungkol sa insidente.
Ang isang biktima ay pasahero ng Carnival Cruise Line ship Mardi Gras habang ang isa ay dumating mula sa Carnival Elation. Kasama ng dalawang biktima ang kani-kanilang mga pamilya.
Natagpuan ang katawan ng isang 79-anyos na lalaki habang nagi-snorkeling sa isa sa mga beaches ng Calebratioin Key.
“A lifeguard assisted him from the water and CPR was administered, but to no avail. The male who is reported to be an American national was pronounced deceased by medical doctors,” ayon sa pahayag ng pulisya.
Nangyari ang insidente bandang alas-11 ng umaga noong Biyernes.
Tatlong oras makaraan ito, napansin naman ng mga lifeguard na hindi kumikilos ang isang 74-anyos na babae sa may swimming pool.
Pinilit rin i-revive sa papamagitan ng CPR ang senior citizen ngunit binawian diin ito ng buhay.
“As a result, the female who was reported to be an American national was pronounced deceased ,” ayon sa pulisya.
Parehong isinailalim sa awtopsya ang mga labi ng pumanaw ng senior citizens ngunit hindi pa naibibigay ang resulta nito.
