top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Septuagenarian nang-hostage of 3 anyos na bata sa Pangasinan

4/30/25, 9:58 AM


LAOAC, Pangasinan - Arestado ang isang septuagenarian matapos nitong gawin hostage ang isang tatlong taong batang lalaki sa Barangay Talogtog, Laoac noong Martes (Abril 29), ayon sa report ng pulisya.

Nailigtas ang banta at nadisarmaahan ang 76-anyos na bumihag sa bata matapos ang mahaba-habang negosasyon para pakawalan nito ang hostage.

Ayon sa report ng pulisya, naglalakad lamang patungo sa palengke ang bata at isang kamag-anak nito nang bigla na lang sapilitang kinuha ang bata.

Armado ng isang patalim ayaw pawalan ng matandang lalaki ang kanyang biktima.

Agad nag-set up ng crisis management team ang mga rumespondeng pulis nang patuloy na umayaw ang suspek na pakawalan ang bata.

Sa tulong ng isang negotiator, naliwanagan ang suspek at pinawalan ang biktima na iyak ng iyak sa pagkakabihag sa kanya ng matanda.

Wala umanong criminal record ang suspek na hinihinalang may problema sa pag-iisip.

Ayon sa mga pulis dati nang nagtangkang magpakamatay ang lalaki may tatlong taon na ang nakaraan.

Ipatitingin ang suspek sa psychiatrist upang malaman kung may diperensya ito sa pag-iisip. Samantala, itutuloy ng pulisya ang pagsampa ng kasong kriminal laban sa kanya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page