top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior na pumaslang sa kasintahan at mga anak dumanas ng matinding sakit habang binibitay

Photo from Mirror

8/6/25, 7:57 AM

NASHVILLE, Tenn - Hindi rin nailigtas ng dementia, kidney ailment at iba pang karamdaman mula sa lethal injection ang isang 69-anyos na lalaki na pumaslang sa kanyang kinakasamang babae at dalawang batang anak nito.

Natuloy ang pagbitay kay Byron Black sa Tennessee nitong Martes (Agosto 3) bagamat nagreklamo ang wheelchair-bound na salarin ng matinding sakit habang pumapasok sa kanyang katawan ang lason na dala ng lethal injection.

Si Black ay mayroon nakatanim na defibrillator sa kanyang katawan na umanoy nagdulot ng matinding sakit na dapat ay iniiwasang maranasan ng mga sumasailalim sa lethal injection.

“Oh, it’s hurting so bad,” ang nasambit ni Black bago siya tuluyang nalagutan ng hininga.

Nagkaroon ng legal na kontrobersiya ang pag-ayaw ng mga awtoridad na i-deactivate ang defibrillator na tumutulong na palakasin ang puso ni Black. Nakiusap ang kanyang mga abogado laban dito.

Ang pitong media persons na testigo sa pagbitay kay Black ay nagkaisang nasaktan nga ito habang pinatutulog sa pamamagitan ng mga lason na ipinasok sa kanyang sistema.

Bukod sa sakit sa puso, si Black ay dumaranas din ng dementia, seryosong karamdaman sa bato at congestive heart failure ngunit hindi pa rin siya pinatawad ng estado sa kanyang nagawang malubhang krimen.

Kinondena ng kanyang abogadong si Kelley Henry ang pagbitay kay Black na dapat umanong ikahiya.

“Today, the state of Tennessee killed a gentle, kind, fragile, intellectually disabled man in a violation of the laws of our country simply because they could,” sinabi ni Henry.

Napatunayang nagkasala si Black sa pagpaslang kay Angela Clay, 29 at mga anak na sina Latoya Clay, 9 at Lakeisha Clay, 6 noong 1988.

Selos ang nagbunsod sa salarin na pagbabarilin ang mga biktima. Una dito, naparatangan na rin si Black sa pamamaril sa dating asawa ni Clay.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page