top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizens sa Osaka City, bawal nang magtelepono habang gumagamit ng ATM machines

Photo from resources.realestate.co.jp

4/25/25, 11:49 AM

TOKYO, Japan - Pagbabawalan ang mga senior citizens sa siyudad ng Osaka na gumamit ng ATM machines habang may kausap sa kanilang telepono.

Ayon sa pamahalaang lokal ng Osaka ang hakbang na ito ay tugon ng awtoridad sa patuloy na pagdami ng mga scam na bumibiktima sa mga nakatatandang Hapones.

Hindi lamang sa Osaka nagiging palabigasan ng mga scammer ang mga senior citizen. Ang mga financial fraud ay nangyayari sa buong bansa at kadalasan ay kagagawan ng mga kriminal na gang tulad ng Yakuza.

Noong isang taon, tinatayang aabot sa Y72.2 billion yen of $500 milyon ang halaga ng nakulimbat ng mga scammers sa libo-libong nabiktimang mga seniors.

Ipinaliwanag ng mga opisyal ng Osaka na dahil sa hindi gaanong marunong sa mga gadget at dahil marami sa kanila ay tumatanggap ng retirement benefits, madalas sila ang nagiging biktima ng mga mangra-raket.

Kadalasan ay nagkukunwaring kamaganak, pulis of abogado ang mga scammer na nangloloko sa matatanda upang mag-withdraw o maglipat ng pera.

Upang masawata ang patuloy na panloloko sa senior citizens, nagpasa ng ordinansa ang konseho ng Osaka na inaatasan ang mga indibidwal na gmay 65 anyos at pataas na magwithdraw sa ATM machine habang sila ay may kinakausap sa telepono.

Ang nasabing ordinansa ay kauna-unahang ipatutupad sa Japan simula sa Agosto.

Ayon sa probisyon ng ordinansa ang mga ATM operators ay may responsibilidad na sabihan ang kanilang mga customer tungkol sa pagbabawal sa pamamagitan ng paglalagay ng mga posters at pamimigay ng fliers para sa publiko.

Bagamat isang ordinansa, hindi ito nagbibigay ng anumang kaparusahan sa mga taong lumalabag dito.

Hindi umano magiging tama kung papatawan ng parusa ang paglabag sa ordinansa. Sinabi ng mga opisyal na ang mga nakatatanda at ATM operators ay kinokonsidera sa pagtulong na itigil ang mga scam.

Comments

分享您的想法率先撰寫留言。
bottom of page