BALITANG SENIOR
Senior citizen rider patay nang masalpok ng truck na walang driver

Photo from kami.com.ph
3/23/26, 4:00 AM
Ni Raselle Joyce Flores
Isang 60-anyos na senior citizen rider ang nasawi matapos na pumailalim ang minamaneho sa isang 10-wheeler noong Lunes (Hunyo 23) sa Payatas, Quezon City, ayon sa report ng pulisya kahapon.
Wala umanong driver ang truck at kusa lamang na kumilos palabas ng isang gasolinahan nang makasalpukan ang motorsiklo ng biktima.
Nangyari ang insidente bandang alas-9 ng gabi sa Payatas Road.
Ang biktima, isang 60-anyos na lalaki, ay bumabaybay sa kahabaan ng Payatas Road at pauwi na ng mga sandaling iyon.
Ayon sa mga testigo, naka-parada ang truck sa isang gasolinahan at walang nagmamaneho nang bigla itong umandar pa-abante sa kalye.
Husto naman parating ang biktima na lulan ng kanyang motorsiklo at dito nagkaroon ng salpukan ang dalawang sasakyan.
Pumailalim umano ang senior citizens at dito naipit kasama ang kanyang motorsiklo.
Inabot ng halso 45 minuto bago nakuha ang biktima ng mga rescuers, ayon sa pulisya.
Agad na isinugod sa ospital ang rider ngunit nadeklara itong dead on arrival.
Ayon sa mga imbestigador walang driver ang truck na kusang kumilos habang ang baterya nito ay kinakargahan ng koryente.
Maaaring makasuhan reckless imprudence resulting to homicide ang nagmamaneho ng truck.
