top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizen nasungkit ang kalahati ng ₱25.3-M premyo ng lotto 6/42

(Photo from GMA News Online)

1/22/25, 8:17 AM

Ni Tracy Cabrera

SUN PLAZA, Lungsod Mandaluyong — Isang senior citizen mula sa Bicol ang nagwagi sa kalahating ng P25.3-million jackpot para sa Lotto 6/42 draw nitong Disyembre 31 ng nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinanggap ng nagwagi ang kanyang premyo kasama ang kanyang anak na dalaga sa tanggapan ng PCSO nitong Enero 10 lamang.

Prinisinta ng babae ang kanyang ticket na taglay ang kombinasyong 27-26-09-41-19-20 para masungkit ang panalo. Sinabi ng babae na kanyang nabiling sa lotto outlet sa Naga City, Camarines Sur.

May kahati ang nanalo ng jackpot na Isa rin mananaya na mula naman sa lungsod ng Lucena.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page