BALITANG SENIOR
Senior citizen namaril sa Tanay road rage, dalawang lalaki nasugatan

Photo from GMA News
7/7/25, 12:07 PM
Ni Samantha Faith Flores
Inaresto ang isang senior citizen matapos na pagbabarillin nito ang dalawang katao sa isang road rage incident na nangyari sa Tanay, Rizal, nitong Linggo (Hulyo 7).
Hindi pa binanggit ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin ngunit tiniyak ng mga imbestigador na isa siyang senior citizen na armado ng baril, isang 40 caliber na pistola.
Kasalukuyang naka-deteni ang umanoy gunman at ang dalawang biktima naman ay patuloy na ginagamot sa ospital.
Ayon sa imbestigasyon nagkaroon umano ng pagkakainitan ang matandang nagmamaneho ng isang kotse at ang nagmamaneho ng isang pickup vehicle nang magkagitgitan ang kanilang mga sasakyan.
Dahil sa gitgitan, natamaan ang side mirror ng sasakyan ng suspek ng gilid ng pickup. Bigla umanong tumigil ang kotse at dahil dito nagbanggaan ang dalawang sasakyan.
Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa drayber.
Dahil dito bumalik ang matandang lalaki sa kanyang kotse at kumuha ng baril. Saka nito pinagbabaril ang mga biktima.
“Nasa kritikal na kondisyon ang driver. Pinagbabaril niya, multiple shots ang mga nasa sasakyan atsaka umano bumaling sa kabilang upuan at sabay muling nagpaputok ang suspek,” ayon kay Rizal Provincial Police Office chief, Police Col. Feloteo Gonzalgo.
Sa apat na lulan ng van, ang driver at isa sa mga pasehero nito ang tinamaan ng pamamaril ng suspect.
Nakakuha ng mga 40 caliber pistol bullets sa crime scene ang mga imbestigador.
“May blinker pa sa loob ng sasakyan, para bang talagang ginagamit na niya sa kanyang pagtakas, for example,. p;ara mabilis siyang makaalis,” ayon kay Gonzalgo.
