top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizen, 3 pa patay sa away-pamilya sa Iloilo City

3/23/26, 6:00 AM

Ni Tracy Cabrera

ILOILO CITY, Iloilo — Isang 68-taong-gulang na lalaki at tatlo pang iba ang namatay habang dalawa nalan ang kritikal makaraang magpang-abot ang dalawang pamilya sa gitna ng kanilang pagdedebateng humantong sa sagupaan sa isang barangay sa La Paz, Iloilo.

Batay sa inisyal na ulat ng Iloilo City Police Office (ICPO), ang mga nasawi ay kinilalang sina Johnny Provido Sr., 68; mga anak niyang sina Johnny, 40, at Joeven, 46; at Tyron Muya, 33.

Dineklarang dead-on-arrival ang apat na biktima ng mga duktor matapos usugod sila sa Saint Paul’s Hospital at kalapin na medical facility. Dalawa namang miyembro ng pamilyang Muya ang ginagamit pa sa ilalim ng kustodiya ng pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, ang away-pamilya ay naganap bandang alas-9:40 ng gabi sa pagitan ng mga miyembro ng mga pamilyang Muya at Provido, na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Agad na nagpautos si ICPO officer-in-charge Police Colonel Wilbert Pardilla ng massing imbestigasyon sa insidente.

Habang hindi pa alam ang tunay na dahilan ng away, tinitignan ng pulisya ang anggulong lay kinalaman ito sa iligal na droga at pagkalasing bilang posi keng pinag-ugatan ng alitan.

"The tragedy highlights the dangerous consequences of illegal drugs and violent behavior aggravated by alcohol consumption, which of late have increased significantly," pinunto ni Parilla upang lanawagan sa lokal ba pamahalaan at komunidad upang paigtingin ang kanilang pagbabantay laban sa kriminaludad at mga iligal na aktibidad.

“We call on barangay officials to strictly enforce curfew and local ordinances, and to strengthen interventions against drinking-related disturbances,” panawagan ng officer-in-charge ng ICPO.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page