top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Salceda sa Senado: Ipasa na ang Universal Social Pension; gobyerno may sapat na pera

2/10/25, 10:42 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

May pera ang pamahalaan at kaya na nitong papatuluyin ang pamimigay ng PHP500 buwanang pension para sa walong milyong nakatatandang Pilipino sa ilalim ng panukalang Universal Social Pension Program.

Ito ang idiniin ni Albay Rep. Joey Sarte-Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, samantalang kinukumbinsi niya ang Senado na ipasa na ang nasabing bill.

Nanawagan si Salceda nang makipag-usap siya kay Sen. Imee Marcos nang dumalaw ito sa Albay nitong nakaraan katapusan ng linggo.

“I talked to Senator Imee Marcos, who chairs the committee discussing the bill, during her visit to Albay. I assured her we can sustain universal social pension fiscally. Kaya pang ilabas sa Committee niya during the break. Ako na kako maghahanap ng pondo. She assured me she will study it carefully,” paliwanag ni Salceda.

“We have a moral obligation to our senior citizens. Hindi po ito ayuda – this is something they already earned by contributing to the economy all their lives. Karapatan po nila ito. Our pension system is also inadequate,” apela ni Salceda.

“Bilang Ways and Means Chair po, pinahahalagahan ng Kongreso ang opinion natin, dahil ang Komite ko po ang tagapangalaga ng finances ng bansa. Ngayon po, ako na mismo ang nagsasabi sa Senado, na kaya po nating pondohan ang Universal Social Pension,” sabi ng beteranong kongresista na tumatakbo ngayon gobernador ng Albay.

Ayon kay Salceda iminungkahi niya kay Marcos ang plano upang makaya ng pamahalaan ang bababayaran pension taon-taon.

“On the first year, we will make it universal for all 70 years old and above. On the second year, universal at 65 years old. On the third year, universal at 60 years old. All social pensioners already enrolled in the program will keep their benefits. We will index the increase to cost of living, so it catches up to inflation,” paliwanag niya.


“The incremental cost of the program will be P28.8 billion in the first year, P43.7 billion in the second year, and P68.9 billion in the third year of implementation. We cut the ayuda budget by around 10% next year, and that is enough to cover universal social pension already. Anyway, inflation has slowed down a bit,” diin niya.

Bukod sa pagbabawas sa alokasyon para sa ayuda, inaasahan din ang pagpasa ng mga batas na magbubuwis sa bentahan ng pick truck, vape atminahan.

“With adjustments in the ayuda budget and the tax increases in these non-essential products, kasya na po ‘yan,” ayon kay Salceda.

Hindi na binanggit ni Salceda sa kanyang press release ang naging reaksyon ni Marcos na sinisisi ng mga senior citizens sa pagbinbin ng Senate version ng USP bill.



Ang USP ay ipinasa ng Mababang Kapulungan noong Mayo, 2024 ngunit patuloy na hindi inaaksyonan ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na pinangunguluhan ni Marcos.

Wala rin ginawa ang nakatatandang kapatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos kahit na nagpakita na ng pag-alma ang higit sa 6,000 senior citizens na nagmartsa sa Senado noon Enero 20.

Sakaling makinig si Marcos sa panawagan ni Salceda at tumawag ito ng hearing habang bakasyon ang Kongreso, maaari pang maipasa ang bill sa pagbalik ng mga mamababatas sa sesyon sa Hunyo.

May anim na araw pang nalalabing sesyon ang Kongreso sa Hunyo bago ito tulungang mag-adjourn sine die.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page