top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Re-elected senior citizens solons sa Senado: “Ipasa na universal pension bill”

6/2/25, 7:01 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Ilang araw lang matapos ang May 12 mid-term elections, agad na nanawagan ang mga kinatawan ng senior partylist organization na nagwagi sa halalan na ipasa na nag Senado ang Universal Social Pension Law.

Sa magkahiwalay na pahayag, nakiusap sina United Senior Citizens Partylist Rep. Mila Aquino-Magsaysay at Rep. Rodolfo Ordanes ng Senior Citizens Partylist kay Senate President Francis Escudero na isama sa priority bills na aaksyunan ng mga senador ang USP bill na patuloy na nakabinbin sa komite na pinapanguluhan ni Sen. Imee Marcos.

“Muli akong nananawagan kina Senate President Escudero at ading (kapatid) Senator Imee na sana’y ihabol nila ang pag-apruba sa universal pension. Malaking tulong ito sa higit na 12 milyong senior citizens sa bansa,” sabi ni Magsaysay sa isang panayam.

Ayon kay Magsaysay may panahon pa para maaksyunan ng mga senador ang bill na noong Mayo 21, 2024 pa ipinasa ng Mababang Kapulungan.

Matatandaan na pinangunahan ni Magsaysay ang rally na isinagawa ng halos 10,000 senior citizens sa harap ng Senado upang ipakiusap kay Sen. Marcos na magtawag na ng public hearing para pag-usapan ang bill.

Naniniwala rin si Ordanes na may panahon pa upang ipasa ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng buwanang PhP500 pensyon para sa lahat ng mga senior citizens.

“We respectfully urge our counterparts in the Senate, especially Senate President Francis Escudero to take urgent action,” pahayag ni Ordanes.

Parehong pinasalamatan ng senior citizens represensatives si outgoing Albay Rep. Joey Sarte-Salceda, tagapangulo ng Committee on Ways and Means, dahil sa pagisyu ng apela kay Marcos para suportahan ang pagpasa ng bill.

Parehong muling nagwagi sa partylist elections ang mga grupo nina Magsaysay at Ordanes. Ang dalawang solon ang kakatawan din sa kanilang mga organisasyon sa Kamara sa darating na 20th Congress.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page