top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Pumanaw na si Brian Wilson, 82, lider ng The Beach Boys ng dekada 60’s

Photo from Daily Express

6/12/25, 5:31 AM

Ni Raselle Joyce Flores

Pumanaw na si Brian Wilson, isa sa mga nagtatag ng The Beach Boys at kinilalang nasa likod ng marami nitong mga hits na tinawag na ‘surf sound” noong dekada 60’s. Siya ay 82 anyos na.

“We are heartbroken to announce that our beloved father Brian Wilson passed away,” ayon sa Instagram at official website ng pamilya.

Dagdag ng pamilya: “We are at a loss for words right now. Please respect our privacy at this time as our family is grieving. We realize that we are sharing our grief with the world.”

Naging pamoso ang The Beach Boys sa kanilang mga singles at albums na naglalaman ng mga hit songs na “Wouldn’t It Be Nice”, “Kokomo”, “Surfin’ USA”, “God Only Knows at “Don’t Worry Baby.”

Si Wilson ay ipinanganak sa Inglewood, California noong June 20, 1942. Maaga siyang nagpakita ng pagmamahal sa musika na siya ay makaranas ng pag-maltrato mula sa ama na naging biktima ng depresyon.

Ginamit niya ang musika upang takasan ang kalupitan na sinapit sa ama. Malaki ang impluwensya sa kanya ng mga kilalang musikero na Four Freshment, the Beatles at si George Gershwin.

Siya ang sumulat ng “Surfer Girl” na nagpakilala ng kanyang grupo sa Amerika noong 1961. Sa taong ito naitatag ang The Beach Boys na kinabilangan ng kanyang mga kapatid na si Dennis at Carl; pinsan na si Mike Love at kaibigan na si
Al Jardine.

Pumaimbabaw ang The Beach Boys sa mga top hits charts habang patuloy sila sa paggawa ng mga surfing music at pag-perform sa radyo, telebisyon at live audiences.

Noong December, 1964, nagkaroon ng nervous breakdown si Wilson dahil sa sobra=sobrang pagka-abala ng mga ito upang matapatan ang pangangailangan ng kanilang mga tagahanga.

Inamin ni Wilson na ang maagang pagkasikat ay naging mitsa ng kanyang kalagayan.

Dahil sa depression, naging biktima rin si Wilson ng substance abuse.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page