top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Programa para sa senior citizens sa Pilipinas itinampok sa Taiwan Forum

Photo from www.ncsc.gov.ph / kknews.cc

7/26/25, 7:10 AM

Ipinakilala ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang mga programa ng Pilipinas para sa nakatatanda sa isang international forum na ginanap sa National Kaohsiung Normal University sa Taiwan kamakailan.

Pinangunahan ni Dr. Mary Jean Loreche, Chairperson at CEO ng NCSC, ang presentasyon ng mga pangunahing inisyatiba ng bansa, kabilang ang Senior Citizens Community Care Centers (SC3C).

Ang SC3C ay mga sentrong nakabatay sa komunidad na nagbibigay ng wellness services, digital training, psychosocial support, at mga aktibidad na nag-uugnay sa kabataan at nakatatanda.

Ayon kay Loreche dapat tingnan ang pagtanda bilang isang biyaya, sabay-diin sa kulturang bayanihan at matibay na ugnayan ng pamilyang Filipino.

Tampok sa forum ang mga bagong modelo ng pangangalaga sa Kaohsiung tulad ng “Smart Mutualism Communities,” na gumagamit ng teknolohiya, cultural caregiving, at aging-in-place para mapanatili ang dignidad at kalayaan ng nakatatanda.

Tinalakay rin ang Medical Humanities na nagtatampok ng makataong approach sa pangangalagang pangkalusugan, kung saan binibigyang-halaga ang boses at karanasan ng mga nakatatanda.

Layunin ng forum na paigtingin ang palitan ng kaalaman at bumuo ng mga lipunang inklusibo sa lahat ng edad, kung saan ang mga nakatatanda ay kinikilalang mahalagang bahagi ng kaalaman at pagkakaisa ng komunidad.


Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page