top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Pinakamatandang tao sa mundo 117-anyos na

Photo courtesy of Residència Santa María del Tura via Guinness World Records

3/6/24, 12:20 PM

Ni MJ Blancaflor

Kinilala siya ng Guinness bilang si Maria Branyas Morera na ngayon ay naninirahan sa isang nursing home sa Spain.

"Happy birthday to Maria Branyas Morera who celebrates her 117th birthday today," sabi ng GWR sa isang Facebook post.

Bumuhos ang pagbati sa kanya sa comment section ng nasabing post.

Ipinanganak si Maria noong Marso 4, 1907 sa San Francisco, USA.

Noong 8-anyos pa lamang siya, nag-migrate ang kaniyang pamilya sa Spain at sa Catalonia na nanirahan.

"She’s lived in the region ever since and has resided in the same nursing home for the past 23 years," sabi ng Guinness.

Na-verify nitong si Maria ang "world’s oldest person" noong Enero 2023.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page