BALITANG SENIOR
Pinakamatandang obispo sa bansa, nagdiwang ng ika-94 kaarawan

Photo courtesy of CBCP News
2/24/24, 4:00 AM
Ni MJ Blancaflor
Bilang pagdiriwang, pinangunahan niya ang isang misa na ginanap sa St. John the Evangelist School of Theology sa Leyte.
"Today, I have completed 94 years of age, and tomorrow I will be starting my 95th year, which I doubt if I can complete due to advanced age and poor health," winika ng arsobispo sa kanyang sermon batay sa ulat ng CBCP News.
Sa kanyang homily, inilarawan niya ang pagpapari bilang isang biyaya at humiling sa mga mananampalataya na ipagdasal siya.
Ayon pa kay Archbishop Dean, sakitin daw siya noon sa seminaryo. Dahil sa takot na paalisin, inilihim raw niya ang kanyang mga karamdaman.
Ipinagdasal daw niya sa Panginoon na pagalingin siya at tulungan siyang maging pari.
Ipinanganak si Archbishop Dean noong Pebrero 21, 1930 sa Calbayog City, Samar.
Inordinahan siya bilang pari noong 1956 at itinalaga bilang auxiliary bishop ng Davao noong Disyembre 1977.
Naging obispo siya noong 1978 at nadestino sa Tagum noong 1980 hanggang 1984.
Itinalaga siya bilang arsobispo ng Palo noong 1985.
Naglingkod din siya bilang chairman ng Episcopal Commission on Doctrine of the Faith ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
