top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Pinakamatanda sa Japan magdiriwang ng ika-116 na kaarawan sa Mayo 23

Photo from longeviquest.com

5/9/24, 5:03 AM

Maaaring itanghal na rin si Itooka na ikalawa sa pinakamatandang tao sa mundo, kung ito ay kukumpirmahin ng mga websites na naglilista ng mga tinatawag na supercentenarians - bansag sa mga nilalang na lumagpas na sa 110 anyos ang edad.

Ang pinakamatanda sa edad na 117 ay si Maria Branyas Morera na humalili kay Edie Caccarelli na namatay noong Pebrero 22 lamang.

Hinirang si Tomiko, 115, bilang pinakamatandang Hapon sa kanilang bansa noong Disyembre matapos na pumanaw si Fusa Tatsumi ng Kashiwara, Osaka Prefecture, noong Disyembre 22, 2023.

Ipinanganak noong Mayo 23, 1908 sa Osaka, si Itooka ay ang panganay sa tatlong magkakapatid. Volleyball ang kanyang nakahililgan noong estudyante pa lamang ngunit hindi naman nakuhang manlalaro ng koponan ng kanyang bansa.

Sa edad na 111 taon, ipinasok na sa nursing home sa Ashiya, Hyogo Prefecture si Itooka. Ayon sa mga kaanak nakakakilos pang mag-isa si Tomiko noon ngunit hindi na ngayon.

Wheelchair-bound na ang supercentenarian at pinakakain na lang sa salas ng nursing home.

Bagamat hindi naman kinukumpirma ng mga doktor, maraming sa mga kababayan ang gumagaya at kumakain ng mga kinagigiliwang inumin at pagkain ng lola.

Kinahihiligan niya ang pagkain ng matatamis. Sumisigla at sumasaya naman ang kanyang pakiramdam sa paginom ng probiotic beverage.

Nag-asawa siya sa edad na 20 at nagkaroon ng apat na anak- dalawang babae at dalawang lalaki.

Matapos na mabalo noong 1979, mag-isang namuhay si Itooka sa bayan ng kanyang asawa sa Nara Prefecture. Sa sampung taong pamamalagi niya sa probinsya, nakahiligan niya ang mag mountain climbing, higit sa Mt. Nijo at Mt. Ontake gamit lamang ang ordinaryong rubber shoes at hindi sapatos na pang-hiking.

Tila ang pagiging mountain climber at pagkahilig sa hiking ang mga dahilan ng kanyang mahabang buhay.

Ayon sa impormasyon, 100 anyos na siya nang akyatin ang Ashiya Shrine nang walang baston. Binisita rin niya ang Yakushiji Temple ng maraming beses, tanda ng pagiging matibay niya sa malayuang paglalakad at pag-akyat.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page