top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Netizens nagluksa sa pagpanaw ni ‘Grandma’- lolang nag-viral dahil sa apong full-time caregiver

Photo from telecinco.es

1/30/24, 11:45 AM

Ni MJ Blancaflor

Pumanaw na ang viral na lola ng Filipino-American vlogger na si Chris Punsalan sa edad na 97.

Buong-pagdadalamhating inanunsyo ni Chris noong Lunes, Enero 29, na binawian na ng buhay ang kanyang lola na si Anicia Santos Manipon, mas kilala bilang "grandma," dahil sa sakit.

Nakilala sa social media ang dalawa dahil sa kakatwang video clips na kinukunan habang inaalagaan ni Chris sa kanyang grandma sa US matapos tumangging ipasok siya sa isang home care.

"My heart is broken. Grandma fought so hard and lived such a fruitful life," sabi ni Chris sa isang Facebook post.

Gayunpaman, gumaan din daw ang loob niya dahil nakapagpahinga na ang kanyang lola.

"I’m relieved that she can finally rest and she’s in better hands than we could’ve ever provided. I love you forever, Grandma," dagdag nito.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga tagasuporta nina Chris at Grandma sa social media.

"Thank you for sharing your grandma with us. It was such a joy watching you take care of her. She's such a wonderful woman and you inspire us to love our own relatives even more," sabi ng TV at social media personality na si Inah Evans.

Nagkomento rin ang content creator na si Tita Krissy Achina sa post ni Chris. Aniya, "May all your cherished memories and the love you have shared provide comfort during this difficult time."

Nagsimulang alagaan ni Chris ang kanyang lola noong 2015. Nag-hit sa YouTube at TikTok ang videos ng araw-araw nilang gawain habang magkausap sa wikang Kapampangan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page