top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

NCR senior citizens associations presidents nagkaisa upang ipanalo ang 3 nominees ng United Seniors

5/6/25, 1:26 PM

Ni Samantha Faith Flores

Nagkasundo ang pangulo ng mga asosasyon ng senior citizens sa National Capital Region (NCR) na siguruhin ang pag-upo sa Kongreso ng tatlong pangunahing nominado ng United Senior Citizens Partylist.

Sa pulong na dinaluhan ng may 200 senior citizen leaders ng Metro Manila kamakailan lamang, nagkaisa ang mga lider seniors ng buong suporta para sa grupo na pinangungunahan ni Rep. Mila Aquino-Magsaysay ng United Seniors.

Si Magsaysay ang kinikilalang pangunahing may-akda ng Universal Social Pension Program for Senior Citizens na magbibigay ng buwanang pensyon na PhP500 para sa lahat ng nakatatandang Filipino.

Sa unang pagkakataon simula ng ipanukala ang bill sa Kongreso may 10 taon na ang lumipas, naipasa riin ang panukala noong Mayo 21, 2024 dahil kay Magsaysay.

“Hindi tinantanan ni Congresswoman Mila ang liderato ng Kamara upang maipasa ang universal social pension. Kinumbinse niya ang marami sa mga kapwa kongresista upang suportahan ang bill,” ayon kay Marikina City Rep. Stella Quimbo, tagapangulo ng Committee on Appropriations.

Mismong si Speaker Martin Romualdez ang tumulong kay Magsaysay upang himukin ang marami pa sa mga kongresista na aprubahan ng Kamara ang bill.

Ipinasa nga ng Mababang Kapulungan ang bill at agad ipinadala sa Senado para sa kaukulang aksyon nito. Ngunit hindi pa rin ito kinikilusan ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na pinamumunuan ni Senador Imee Marcos.

“Hindi na dapat natin payagan na maulit ang nangyari noong 19th Congress. Dapat siguruhin natin na bukod kay Congresswoman Magsaysay, ay makaupo rin ang dalawa pang nominado ng United Seniors,” diin ni dating QC Councilor Jorge Banal na pangulo ng Federation of Senior Citizens Associations of the Phillippines-National Capital Region.

Sina Gertrudo de Leon at Katrina Nepomuceno ang no. 2 at 3 nominees ng United Seniors.

Ipinaliwanag ni Banal na higit na magiging malakas ang boses ng mga nakatatandang Filipino kung mailuluklok din sa Kamara sina De Leon at Nepomuceno.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page