BALITANG SENIOR
National treasure Apong Dalen nagdiwang ng ika-101 kaarawan
.jpeg)
Larawan mula sa Philippine Information Agency.
8/14/25, 8:37 AM
Ni Tracy Cabrera
PINILI, Ilocos Norte — Kung mayroon mang lugar sa Pilipinas na inaasahang may nilalang na aabot o hihigit sa isang daang taon ang edad, Ito'y sa rehiyon ng Ilocos kaya'y pinarangalan ang lolang si Magdalena Gamayo sa kanyang ika-101 kaarawan sa Lumbaan-Bicbica in Pinili, Ilocos Norte.
Itinuturing bilang isang 'national living treasure' si Gamayo, na kung ituran sa kanyang barangay ay Apong Dalen, at tumanggap siya ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan Award mula sa National Commission on Culture and the Arts (NCCA) noong 2012.
Sa pagbigay ng nasabing award, kinilala sa kanya ang husay niya sa pagdebuho ng mga kakaibang disenyo at paglikha ng kamangha-manghang habi ng telang Abél-Ilóco o 'inabel' na bahagi ng tradisyonal na industriya ng mga Ilokanong mangkakayo.
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Apong Dalen, dineklara ang Agosto 13 bilang kauna-unahang espesyal na Araw ng Inabel sa busa ng isang ordinansang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Pinili.
Nagkaroon ng iba't ibang aktibidad sa selebrasyon ng kanyang kaarawan, kabilang na ang patimpalak sa pagsusulat ng sanaysay at photo contest bukod sa poster-making exhibition na nilahukan ng mga mag-aaral upang bigyang karangalan ang pamana ng pinakamatandang nilalang sa Pinili.
Kilala si Gamayo sa kanya dedikasyon sa pangangalaga at pagpapalaganap sa tradisyonal ng 'inabel' at sa nakalipas na ilang dekada ay matiyaga niyang ibinabahagi sa mga nagnanais matuto ng original na paghahabi ng telang Abél-Ilóco.
Mas naging makahulugan pa ang inagurasyon ng Araw ng Inabel nang iprisinta ng batang Ilokanong pintor na si Reymark Orario ng Sarrat, Ilocos Norte, ang kanyang obra kay Apong Dalen.
Binigyang-diin komendasyon ni National Youth Commissioner for Luzon Gervy James Gumarit ang artwork ni Orario bilang ehemplo sa pagbibigay parangal sa ating kultur at tradisyonal sa pamamagitan ng modernong uri ng sining.
“The occasion serves as a call for young Filipinos to embrace their cultural identity, learn from elder artisans, and find creative ways to integrate traditional values into contemporary life—ensuring that the nation’s rich heritage continues to inspire the present and shape the future,” pinunto ni Gumarit.
Sa pamamagitan ng Proclamation 664 ng nakaraang taon, dineklara ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang Agosto 13, 2024 hanggang Agosto 12, 2025 bilang 'Centennial Year of Gamayo'.
