BALITANG SENIOR
Napatunayang 'guilty" serial conman na bumibiktima ng kapwa senior citizens

Photo from www.bbc.com
7/24/25, 6:21 AM
LONDON, England - Hinatulang nagkasala ang isang 64-anyos na Briton bilang isang serial conman na bumibiktima ng mga senior citizens ng ilang dekada na sa England.
Babasahan ng sentensya sa darating na buwan si Robert Markward na inakusahan at napatunayang nagkasala ng pagnanakaw sa tahanan ng mga elderly citizens mula Disyembre 2022 hanggang Marso 2023.
Ang hatol sa 10 kasong kriminal ay ibinaba kamakailan lamang ng High Court sa Kilmarnock, Ayshire.
Ayon sa pulisya mahigit pa sa sampu ang ginawa nang krimen ni Markward at patuloy silang kakalap ng mga ebidensya upang humaba pa ang sentensya ni Markward na marami nang niloko at pinagnakawan mga senior citizens.
Bilang conman, nagpapanggap si Markward na isang student nurse, handyman o electrician upang makapasok sa tahanan ng mga elderly victims.
Kasama sa mga nabiktima niya kailan lamang ay mga senior citizens na may edad na 64 - 99. Marami sa mga ito ang naninirahan sa mga housing at retirement complex.
Ayon sa korte upang makuha ang kumpiyansa ng mga biktima, nagpapanggap si Markward bilang electrician, student nurse o council worker.
Kapag nakapasok na sa loob, sinasamantala ni Markward ang mahinang reflexes ng mga nakatatanda atsaka nito ninanakawan ng purse, pera, alahas at iba pang mga mahahalagang bagay.
Sa isang kaso, napag-alaman na nagpakilala ang akusado sa biktima bilang kaibigan ng 94-anyos na babaeng patay.
Nang pinayagan si Markward na magbanyo sa bahay ng biktima, inisahan nito ang senior citizen atsaka nakapagbulsa ng malaking halaga mula sa purse nito.
“Sickening”. Ito ang naging pahayag ni Adam Stachura, policy director ng charity Age Scotland sa ginawang krimen ni Marward.
“I think the court has done a very important job in articulating how seriously they take offenses of this kind, and hopefully it becomes a deterrent for people thinking of preying on the elderly,” pahayag ni Stachura
