BALITANG SENIOR
Mga seniors muling pinatakam ng sangkatutak na dagdag benepisyo: Aprub sa Kamara, dedma sa Senado?

Photo from balita.mb.com.ph
6/10/25, 8:54 AM
Ni Raselle Joyce Flores
Muling pinatakam ng Kongreso ang higit sa 12 milyong nakatatandang Filipino nang aprubahan ng Mababang Kapulungan ang isang panukalang batas na nagbibigay ng karagdagang pribilehiyo at benepisyo ang mga senior citizens.
Matapos maaprubahan noong Hunyo 6 sa pamamagitan ng 177 affirmative at zero negative votes, ang House Bill No. 11400 o ang panukalang “Act Expanding the Coverage of the Privileges and Benefits Given to Senior Citizens”, ay agad ipinadala ng Kamara sa Senado.
Ngunit dahil sa tatlong session days na lamang ang nalalabi sa 19th Congress, hindi na inaasahan na magpasa ang mga senador ng katulad na panukala at masiguro sana ang pagsasabatas nito.
Inihantulad sa Universal Social Pension for Senior Citizens bill ang naging kapalaran ng HB 11400 na ipinasa ng mga kongresista ngunit hindi ng mga senador.
Mayroong 24 na panukalang mula sa iba’t-ibang mga kongresista ang pumapaloob sa HB 11400, ayon kay Speaker Martin Romualdez.
Layon ng bill na amyendahan ang Republic Act No. 7432 o ang “An Act to Maximize the Contributions of Senior Citizens to Nation Building, Grant Benefits and Special Privileges and Other Purposes.
"Among others, it amends Sec. 3 of the "Expanded Senior Citizens Act of 2010" by defining medicines, food supplements, private commercial establishments, and parking fees covered as benefits granted to senior citizens," paliwanag ni Romualdez.
Nilinaw ng mga probisyon ng HB 11400 ang depinisyon ng “medicines, food supplements, private commercial establishments and parking fees” na saklaw ng 20 porsiyentong diskwentong ipinagkakaloob sa mga senior citizens.
"It includes online, offline, direct or indirect, first or third-party medium on the 20 percent discount privilege in the purchase of medicines, food supplements and vitamins, health professional fees, golf and country clubs, transport network services, and toll fees on sky-ways, expressways of the senior citizens," paliwanag ni Romualdez.
Ayon sa kanya ang bill ay nagkakaloob din ng 15 diskwento sa bayarin para sa buwanang paggamit ng koryente at tubig. Ngunit saklaw lamang ng diskwento ang 200 kilowatt hours ng koryente at 50 cubic meters ng tubig.
Nagkakaloob din tulong pinansyal na PhP25,000 na death benefit assistance para sa mga naulila ng pumanaw na senior citizens.
Bukod dito, bibigyan din ng 20 porsiyentong diskwento ang elderly Filipino sa multa sa paglabag sa batas trapiko at ililibre na ang parking fees nila sa mga komersyal na establisimiento.
Exempted din sa Unified Vehicular Volume Reduction Program ang mga senior citizens na nagmamaneho o nakasakay sa isang pribadong sasakyan.
