top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Mga kalsada sa Pilipinas, ligtas ba para sa mga tumatawid na senior citizens?

Photo from
auto.yugatech.com

3/31/26, 10:00 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Ligtas ba ang mga pedestrian crossings na may traffic lights para sa mga senior citizens ng Pilipinas?
Ito ang malaking katanungan na lumulutang matapos na ilabas ng researchers sa Inglatera ang findings ng kanilang pag-aaral tungkol sa kaligtasan ng mga nakatatanda sa daan.

Sa research na isinagawa ng tatlong unibersidad sa England, lumabas mabilis para sa mga nakatatandang tumatawid sa kalsada ang green lights.

Ang oras sa pagtawid habang nasa berde o go ang ilaw para sa pedestrians ay lubhang mabilis kung mga senior citizens ang nagpupunta sa kabilang banda ng kalsada.

Ayon sa pag-aaral, ang average na oras para tumawid ang isang tao sa kalsadang may lapad na limang metro ay 6.5 seconds.

Kadalasan ito ay dalawang segundo mabagal sa itinatagal ng traffic lights para umilaw ng pula, sinabi ng mga researchers.

May 1.5 porsiyento lamang sa mga senior citizens na may problema sa paglalakad ang nakatatawid ng komportable sa ganito kabilis na oras.

idinagdag pa ng mga researchers na habang tumatanda ang isang tao, ang lakas ng kanyang katawan at balanse ay may kinalaman sa kanilang mabagal na walking speed.

Dahil sa kanilang natuklasan, iminungkahi ng mga gumawa ng research na baguhin ang pagpalit ng ilaw sa mga traffic light.

Malaking bagay sa kaligtasan ng mga tumatawid sa kalsada, higit ang mga senior citizens, ang ilang segundong karagdagang itatagal ng berdeng ilaw bago magpalit sa dilaw o pula.

Hindi pa malaman kung ang ganitong pag-aaral ay isinagawa na ng Metro Manila Development Authority sa National Capital Region o mga lokal na pamahalaan at ahensya ng pulisya sa ibang lugar.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page