top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Mga higanteng botika hindi nagbibigay ng senior discount sa mga OTC meds

11/8/24, 10:38 AM

Dalawa sa higanteng drug store chains ang itinuturo na umanoy tahasang lumalabag sa batas na nagbibigay ng diskwento para sa binibiling over-the-counter medicines ng mga senior citizens.

Ito ay napag-alaman sa mga interview na patuloy na isinasagawa ng Senior Times. Ph sa mga nakatatanda matapos silang bumili ng mga gamot na OTC sa nasabing mga drug outlets.

Sa mga panayam, pare-parehong nagsasabiia ng mga seniors na hindi sila binibigyan ng 20 porsiyente sa mga pangangailangang OTC sapagkat wala silang maipakitang reseta.

Dahil dito, tinatanggihan ang kanilang hiling na madiskwentuhan.

Marami rin sa mga nakapanayam na senior citizens ang hindi pa batid na sakop ng pang-diskwentong probisyon ng Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act ang mga OTC o mga gamot na nabibili kahit walang reseta.

Kamakailan lang pinayuhan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga senior citizens na ipagharap ng reklamo sa Office of the Senior Citizens Affairs na may sakop sa kanila ang ganitong paglabag ng batas.

Ayon sa FDA, malinaw sa Advisory No. 2024-0429 na dapat bigyan ng 20 porsiyentong diskwento ang mga senior citizens kahit ang kanilang binibili ay mga OTC na walang reseta.

Ang nasabing advisory na inilabas noong Pebrero lamang ay nilagdaan ni Director-General Dr. Samuel A. Zacate.

Una rito, nagtanong ang Senior Times.PH sa FDA kung epektibo pa rin at hindi pa naaamyendahan ang FDA Advisory No. 2014-054 na nilagdaan noong 2014 ng noon ay acting director-general ng ahensya na si Dr. Kenneth Hartigan-Go.

Itinuro ng FDA ang FDA Advisory No. 2024-0429 na inulit lamang ang mga probisyon ng nakaraang advisory.

Ayon sa dalawang official documents, hindi na kailangan ng senior citizens na magpakita reseta ng doktor upang maka-diskwento sa binibiling OTC medicines.

“Section VI.6.1` of AO No. 2012-0007 does not require a doctor’s prescription for the purchase of over-the-counter (OTC) medicines,” sainbi ni Zacate sa FDA Advisory No. 2024-0429.

Ito ay ayon sa probisyon at implementing rules and regulations ng RA 9994.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page