top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Malusog at masiglang 105-anyos na lola patay sa hit-and-run sa Mindoro Occ.

Photo from ABS-CBN

6/21/25, 4:44 AM

Ni Samantha Faith Flores

Patay ang 105-anyos na lola sa isang insidente ng hit-and-run sa Occidental Mindoro nitong Miyerkules (Hunyo 18), ayon sa report na ipinalabas ng Philippine National Police kahapon.

Ang supercentenarian ay kinilalang si Rosalinda “Lola Apong” C. de la Rosa, na nakatira sa Sitio Bagong Sikat, Barangay Cabacao, Abra de Ilog.

Katatapos lamang magdiwang ng ika-105 na kaarawan si Lola Apong noong Hunyo 11. Malakas pa ang kanyang pangangatawan bagamat kinitil ang kanyang buhay dahil sa aksidente lamang.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Ariel S. Roldan, information officer ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, napag-alaman na ang biktima ay tumatawid ng kalsada sa Barangay Cabacao ng mahagip ng dumaraang sasakyan bandang alas-2 ng umaga noong Miyerkules.

Agad ni-review ng mga imbestigador ang mga closed-circuite television camera sa lugar nang aksidente upang matunton ang pagkakakilanlan ng sasakyang nakapatay kay Lola Apong.

Ayon kay Roldan ang tsuper ng nakabundol sa supercentenarian ay haharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Dagdag na kasong kriminal din ang ginawa ng drayber na pagtakas matapos na mabundol ang biktima.

Ayon sa pulisya si Lola Apong na nag-iisa sa kanyang bahay ay papunta sana sa isang kaanak sa kalapit barangay nang madisgrasya.

Masigla pa at masayahin ang 105-anyos na lola bago siya mamatay.

Sa mga video nag umiikot sa social media nagpamalas pa ang kanyang pagiging masigla si Lola Apong sa pamamagitan ng pagkanta kasama ang mga kaanak noong Hunyo 11.

Nanawagan ang mga malalapit na kaanak ng biktima na sumuko na ang nakapatay kay Lola Apong. Hiningi rin nila ang kooperasyon ng mga testigo upang kilalanin ang tsuper.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page