top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Malagim na US airstrikes noong July 10, 1945 muling inalala ng 87-anyos na guro

Photo from PNA

7/8/25, 5:31 AM

CHIBA — Patuloy na ipinagpapasalamat sa Diyos ng isang 87-anyos na lola ang daglian niyang desisyon na dumapa nang lusobin ng mga sundalong Amerikano ang kanilang lugar sa Chiba sa Japan.

Dahil sa kanyang presence of mind, nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Fumiko Takayama, isang retiradong guro.

Nagbaliktanaw si Fumiko sa masaklap na pangyayari sa kanyang bansa noong huling bahagi ng Digmaang Pasipiko na bahagit ng World War II.

Dalawang ulit na pinagbobomba ng mga puwersang Amerikano ang kanilang lugar kung saan mahigit sa 1,200 katao ang nasawi sa kanilang lungsod pa lamang.

Maraming mga kaibigan kaanak at mahal sa buhay ang binawian ng buhay dahil pangyayari, ayon kay lola Fumiko.

Sa darating na Hunyo 10, magbubukas muli ang mga gumaling nang sugat noong nakaraang digmaan sapagkat sa araw na ito, noong 1945, naganap ang malawakang pagbobomba at pagpatay na naging sanhi naman ng pagbabalik ng katahimikan sa buong mundo.

Ayon kay Lola Fumiko hindi lamang pumapatay ng buhay ang digmaan, kinikitil din nito ang mga damdamin ng bawat indibidwal na naging biktima ng karahasan.

"Kung ang bomba ay bumagsak lang nang kaunti sa ibang lugar, baka wala na ako ngayon," sabi ng senior citizen.

Nasunog sa mga airstrike ang humigit-kumulang 60 porsiyento ng kabayanan ng lungsod.

Ang unang pambobomba ay naganap noong umaga ng Hunyo 10, 1945.

Matapos niyang tapusin ang huling bahagi ng kanyang almusal noong Linggong iyon, tumunog ang isang sirena bilang babala. Habang naghahanda siyang lumikas patungo sa isang silungan, nagbago ang tunog ng sirena—hudyat ng isang paparating na air raid.

Habang isinususuot na niya ang kanyang sapatos, biglang dumilim ang paligid dahil sa makapal na alikabok mula sa isang pagsabog.

Napahiga si Takayama sa sahig at tinakpan ang kanyang mga mata, ilong, at tainga gamit ang mga kamay, gaya ng itinuro sa kanila sa paaralan. Ang kanyang pamilya naman ay nagtago sa loob ng aparador at nakaligtas.

Makalipas ang ilang araw, napansin ni Takayama na ang bahagi ng kanyang hood na pang-emergency ay sunog.


"Siguro’y patay na ako ngayon kung hindi ako agad napadapa," aniya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page