top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Mag-asawang sexagenarian patay matapos mahagip ng van sa Negros Occidental

Photo from shutterstock.com

11/15/24, 5:08 AM

Isang mag-asawang sexagenarian ang namatay matapos na mahagip ang ang sinasakyang motorsiklo ng isang pickup truck sa Bago City, Negros Occidental noon Miyerkules (Nobyembre 13), ini-report ng pulisya kahapon.

Sa report kinilala ang mga biktima na sina Alex Ortega, 60 at kanyang asawang si Cecilia, 65.

Ayon sa imbestigasyon, tumatawid lulan ng motorsiklo ang mag-asawa sa bandang Barangay Balingasag, nang bigla na lamang silang banggain ng van na minamaneho ng isang lalaking residente ng Cadiz City.

Sa lakas ng bangga, tumilapon ang mag-asawang at nagtamo ng mga seryosong sugat.

Wala nang buhay ang mag-asawa nang mairating sa ospital. Binawian sila ng buhay dahil sa natamong mga sugat at internal bleeding.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang van driver.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page