top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Maawaing huwes Frank Caprio, ‘America’s nicest judge’ pumanaw sa edad na 88

Photo from dubainewsweek.com

8/21/25, 6:45 AM

Pumanaw na sa edad na 88 ang tinaguriang America’s Nicest Judge at bantog na si Judge Frank Caprio.



Nakilala si Judge Caprio sa social media sa pagiging mabait at maunawain sa ipinagsasakdal sa kanyang korte.

Kadalasan ang mga kinakasuhan ay “guilty” ngunit sinesentensyahan niya ang karamihan ng kung ano ang pinakamaliit na multa o parusa na naayon sa batas.

Ginagawa niya ito matapos alamin ang sitwasyon ng nasasakdal at kung ano ang mga dahilan sa likod ng kasong kinakaharap nito.

Nakakaantig ang marami sa kuwento ng mga nasasakdal at sila ay binibigyan laman ni Judge Caprio ng sinasabing “tap on the shoulder” o parusang magaan.

Sa kanyang pakikipagusap sa nagsasakdal at nasasakdal, napagtatagumpayan naipapalabas ng maunawaing huwes ang kabutihan sa kanilang mga puso.

Sa isang pahayag sa kanyang official Facebook page, ang retirado na ngayon huwes mula sa Providence, Rhode Islands ay namatay ng tahimik “at the age of 88 after a long and courageous battle with pancreatic cancer.”

“Beloved for his compassion, humility and unwavering belief in the good ness of people. Judge Caprio touched the lives of millions through his work in the courtroom and beyond,” ayon sa pahayag.

Dagdag ng FB post: “His warmth, humor and kindless left an indelible mark on all who knew him.”

Ayon pa rin sa statement: He “will be remembered not only as a respected judge, but as a devoted husband, father, grandfather, great grandfather and a friend.”

“His legacy lives on in the countless acts of kindness he inspired. IN his honor, may we strive to bring a little more compassion into the world— just as he did every day,” ayon sa social media post.

Naging viral ng maraming taon ang TV show ni Caprio na “Caught in Providence”. Dito ipikita ang tunay na courtroom drama na naging sikat sa social media.



The show ay nagsimulang mai-ere noong 2000 at naging nominado ng apat na ulit sa Daytime Emmy.

Ayon kay Caprio: “ Compassion, understanding and sympathy really emanates from my upbringing, my early childhood.’

Parehong Italyano ang kanyang mga magulang na nagpakita ng pagmamahal at laging handang tumulong sa mga kapitbahay noong buhay pa sila.

Nailathala ang kanyang librong “Compassion in the Court: LIfe Changing Stories From America’s Nicest Judge.”

Sa 2024 interview ng NBC Boston, sinabi ni Caprio: “Sometimes you can change somebody’s life just by placing your hand on their shoulder and telling them you believe in them.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page