BALITANG SENIOR
Lolo Ramon Tulfo nagdadalamhati sa pagpanaw ng apong biktima ng depresyon.

Photo from Inquirer
10/29/24, 7:19 AM
Para sa beteranong peryodista at opinion writer na si Ramon Tulfo, nailigtas sana niya ang buhay ng pinakapanganay na apo kung naging bukas lamang ang bata sa kanyang lolo.
Naghihinagpis si Tulfo sa pagpanaw ng apo nitong si Ramonito na anak ng kanyang panganay na si radio host Patrick Tulfo.
Ang lubos na kalungkutan ng batikang kolumnista ay kanyang ipinahayag sa Facebook post noong Oktubre 26.
Isinulat ni Tulfo, 78, ang kanyang saloobin ilan oras lamang matapos na maibalita sa kanya na natagpuang wala nang buhay si Ramonito sa isang hotel.
Nagpatiwakal ito dahil umano sa depresyon..
“Ramonito took his own life early today, a victim of depression,” sinabi ni Ramon.
“Had Ramon Enrique (Ramonito), my eldest grandson, talked to me he wouldn’t have done the unspeakable. I could have talked him out of it because I probably know what he felt inside,” pahayag ng panganay na kapatid ng mga sikat din mamamahayag na sina Senador Raffy Tulfo, Rep. Erwin Tulfo at komentaristang si Ben Tulfo,
Alam ni Ramon ang sitwasyon ng mahal na apo sapagkat minsan na rin niyang naranasan ang mag-isip na gawin ito.
Ngunit hindi tulad ng kanyang lolo na kilala sa pagiging matapang, hindi umano “strong-willed” si Ramonito.
Ayon sa kanya si Ramonito ay matalino, makisig at mayroon magandang hanapbuhay.
Sa kanyang suicide note, inamin umano ni Ramonito na hindi siya naging matatag.
“Oh my grandson! Had you talked to me I would have made you strong!” hinagpis ni Ramon.
Dagdag niya: “I would have told you that life has full of challenges. That life is unfair.”
Ngunit para kay Ramon ang lahat ng krisis at problema ang nagpapasabik sa buhay ng tao.
“But crises or problems make life so exciting. That if you just plodded on the issues you faced would have disappeared,” ayon sa nagdadalamhating lolo.
