top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Lolo nagpatiwakal nang di nabigyan ng senior health insurance benefit

Photo from rmn.ph

1/13/25, 5:12 AM

Nagpatiwakal ang isang 72-anyos na pasyenteng may gastric cancer sa Bengaluru, India, matapos umanong hindi siya makapag-avail ng benepisyo mula sa health care package ng pamahalaan para sa mga senior citizen.

Sa ulat ng The Times of India, dinamdam umano ng biktima ang kanyang cancer diagnosis at nang hindi siya mabigyan ng ₹5 lakh (P342,000) na insurance coverage sa ilalim ng Ayushman Bharat Pradhan Mantri Jan Arogya Yojana (AB PM-JAY) ng pamahalaan, isang senior citizen scheme.

"Even though we had created an AB PM-JAY senior citizen card providing him with ₹5 lakh annual cover, the Kidwai Memorial Institute Of Oncology (KMIO) denied the benefit, saying that the state government orders had not arrived yet. However, it extended us a 50% discount," pahayag ng isang kaanak ng biktima sa ulat ng pahayagan.

Sagot naman ng nasabing ospital, hindi pa nasisimulan ang implementasyon ng nasabing programa kaya hindi nakapag-avail ng diskwento ang biktima.

Kinumpirma ito ng pamahalaan lalo pa't hindi pa napupulido ang pagkukunan nito ng pondo.

Sa ilalim ng programa, ang mga senior citizens na may edad 70 pataas ay makatatanggap ng ₹5 lakh free insurance coverage para sa kanilang pagpapagamot.

Ayon sa kaanak ng biktima, nagkakahalaga na ng ₹20,000 (P1.36 million) ang kanilang unang gastos para sa pagpapagamot ng pasyente at hindi pa kasama rito ang chemotherapy sessions.

Aniya, plano na sana nilang simulan ang chemo at handa na silang magbayad, ngunit dalawang araw bago ang nakatakdang sesyon ay nagpatiwakal ang biktima.

"I am not saying it was directly due to unavailability of the benefit, but he knew it did not come through and was already stressed," dagdag nito.

EDITOR'S NOTE: Kung may kakilalang nangangailangan ng tulong, makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health (NCMH). Bukas ang kanilang crisis hotlines sa 1553 (Luzon-wide landline toll-free), 0917-899-USAP (8727), 0966-351-4518, at 0908-639-2672. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website: https://doh.gov.ph/NCMH-Crisis-Hotline.

Maaari ring tumawag sa Hopeline PH sa mga numerong 0917-558-4673, 0918-873-4673, at 8804-4673. Bisitahin ang kanilang website sa ngf-mindstrong.org o makipag-ugnayan sa kanilang Facebook page na Hopeline PH.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page