top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Lola pinainom ng ihi, pinakain ng dumi dahil sa bintang na black magic

Photo from freepressjournal.in

1/23/25, 6:59 AM

Isang 77-anyos na lola sa kanlurang bahagi ng India ang ipinahiya at sapilitang pinainom ng ihi at pinakain ng dumi ng kanyang mga kapitbahay matapos siyang pagbintangang gumagamit ng black magic.

Kwento ng anak ng biktima batay sa Times of India, mag-isa ang lola sa bahay nang sapilitang pumasok ang kanyang mga kapitbahay noong Disyembre 30.

Pinagpapalo umano ang lola ng sticks, pinagsasampal, at tinali ang mga kamay at leeg gamit ang bakal.

Hindi pa nakuntento ang mga kapitbahay at pinwersa pa umano nila ang matanda na uminom ng ihi at kumain ng dumi ng aso.

Isinuot din umano ng mga ito sa lola ang isang garland na gawa sa tsinelas.

Sa ilang bahagi ng India, naniniwala ang mga tao na ang itim na mahika o "black magic" ay may kakayahang magdulot ng pinsala at sakit.

Noong umuwi ang anak at daughter-in-law ng lola noong Enero 5, doon na nila nalaman ang sinapit nito.

Agad silang nagsampa ng demanda laban sa mga sangkot sa pang-aabuso at nanawagan ng hustisya.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kaso, pati na ang posibleng pagtatangka ng ilang lokal na opisyal na harangan ang nasabing reklamo.

Matatagpuan ang bahay ng lola sa isang liblib na bahagi ng Maharashtra, 20 oras ang layo mula sa kabisera ng India, ang New Delhi, kung sasakyan ang gagamitin. #

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page