top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Lola ninakawan, napasubsob matapos manalo ng P11k sa lotto

Photo courtesy of Orange Country Sheriff's Office/People.com

1/21/25, 8:47 AM

Isang 83-anyos na babae ang ninakawan matapos umano niyang makuha ang kanyang premyo sa lotto sa isang convenience store sa Florida.

Kinilala ang suspek bilang si Diego Stalin Fleury, na naaresto makalipas ang dalawang araw at nahaharap sa kasong robbery.

Ayon sa ulat ng ABC News, nangyari ang insidente noong Enero 15, Miyerkules, bandang alas-8 ng umaga, pagkatapos makuha ng biktimang si Ruth Monroe ang kanyang panalo sa isang tindahan sa Curry Ford Road sa Orlando.

Sa kuha ng CCTV na ibinahagi ng Orange Country Sheriff's Office, makikita si Ruth na nakasuot ng brown jacket palabas ng tindahan at papunta sa kanyang sasakyan habang hawak ang isang sobre na naglalaman umano ng panalo niya sa lotto.

Ilang sandali pa, lumapit si Diego na nakasuot ng red jacket sa babae at marahas na inagaw ang pera.

Isa pang lalaki na nasa loob ng convenience store ang lumabas at tila sinubukang tumulong sa biktima laban sa suspek.

Makikita sa footage na sinaktan ng suspek ang babae.

Pinag-agawan ng mga lalaki ang sobre habang pilit na hinahawakan ng babae ang kanyang pera, hanggang sa nasubsob siya sa kalsada.

Nakatakbo ang suspek dala ang pera ng babae na agad namang hinabol ng Good Samaritan.

Sinabi ng biktima sa mga imbestigador na tinangay ng suspek ang halos $200 (P11,700), ayon sa Orange County Sheriff's Office sa ulat ng PEOPLE. #


Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page