top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Libro naisauli sa library matapos ang 72 taon

PHOTO CAPTION: Photo courtesy of New York Public Library/Instagram

1/15/25, 10:21 AM

Ipinagdiwang ng New York Public Library ang pagbabalik ng isang kopya ng aklat na isinulat noong 1936, 72 taon matapos itong hiramin.

Ayon kay Billy Parrott, direktor ng Stavros Niarchos Foundation Library, nakatanggap siya ng tawag ilang araw bago ang Pasko noong nakaraang taon.

Sa kwento niya sa news org na Gothamist, isang lalaki raw ang nagpaliwanag na hiniram ng kanyang ina ang autobiograpiya ni Russian composer Igor Stravinsky sa nasabing library noong Abril 4, 1952 at dapat sana’y naibalik matapos ang dalawang linggo.

Sabi pa ng lalaki, nag-aaral noon ng musika ang kanyang ina sa Hunter College sa New York.

Hindi na nga naibalik ng babae ang aklat kahit pa nagtrabaho siya sa isang sangay ng New York Public Library sa Bronx.

"We routinely get stuff [returned], all the time, from the '80s or the '90s but rarely stuff from mid-century," sabi ni Parrott.

Hindi na ibabalik ang aklat sa sirkulasyon kundi ito’y itatago “para sa curiosity at nakaka-engganyong kwento,” dagdag niya.

Ibinahagi ng aklatan ang mga larawan ng matagal nang nawawalang aklat sa Instagram.

"Do you happen to have a library copy of Igor Stravinsky's 1936 autobiography that's 72 years overdue?" ayon sa library. "Is the fear of late fees preventing you from returning it? Forget about it! The New York Public Library has been fine free since since 2021."

Ang may-akda ng aklat ay isang Russian composer at conductor ay itinuturing na isa sa pinakabantog na kompositor ng ika-20 siglo at isang pangunahing personalidad ng modernist music.

Noong 1998, kinilala siya ng Time magazine bilang isa sa 100 pinakamaimpluwensyang tao ng siglo.

Pumanaw si Stravinsky sa pulmonary edema noong Abril 6, 1971 sa New York City, matapos mag-iwan ng anim na memoir na isinulat kasama ang kanyang kaibigan at katulong na si Robert Craft, pati na rin ang nasabing autobiograpiya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page