BALITANG SENIOR
Kilalang chef Margarita Fores namatay sa Hongkong sa edad na 65

2/12/25, 11:51 AM
Namatay sa hinihinalang atake sa puso ang kilalang Filipino chef na si Margarita Fores sa kanyang hotel room sa Hong Kong nitong Lunes (Peb. 11).
Ang 65-anyos na tinanghal na Asia’s Best Female Chef noong 2016, ay natagpuang wala nang buhay sa kanyang hotel room. Nadiskubre ang kanyang pagkamatay nang buksan ang kwarto dahil naalpasan niya ang mahalagang lunch meeting noong Lunes.
Kinilala si Fores dahil sa pagtaas niya sa lutong Filipino sa pandaigdigaan harapan.
Galing sa angkan ng bantog na Araneta family, si Fores ay ipinanganak noong 1965.
Pinsan ni dating Senador Mar Roxas, siya ay isang restaurateur at chef na nagtayo ng Cibo, Lusso, A-mano at Grace Park restaurants.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Amado ang pagpanaw ni Fores.
“It is with heavy heart that I share the sudden passing of my Mom, Margarita A. Fores,” ipinahayag ni Amado sa kanyang Instagram.
Dagdag niya: “ Our family is mourning this unexpected loss, and we kindly ask for your prayers during this time. We will be able to share more in due time.”
Isang accountant, si Margarita ay nakilala sa kahusayan niya sa pagluto ng mga Italian food. Nag-training siya sa Italy at iniwan muna ang natapos na karera.
