

BALITANG SENIOR
Isang araw pagkamatay ni “Dennis the Menace”, child star sa “Lassie” pumanaw din

4/12/25, 2:13 AM
Isang araw matapos mamatay ang child star na si Jay North of “Dennis the Menace”, ang kinagigiliwang amo naman ng sikat na asong si “Lassie” ang pumanaw sa edad na 80.
Si Joey D. Vieira na nag-aalaga kay “Lassie” sa pamosong television series noong mid-1950’s ay dineklarang namatay noong Abril 7 - walong minuto lamang bago ipagdiwang ang kanyang ika-81 na kaarawan.
Na-anunsyo ang kamatayan ni North noong Abril 6 matapos na magapi siya sa matagal na pakikipaglaban sa sakit na cancer. Si North ay 73.
Kasamang sumikat si Joey nang kagiliwan ng mga televiewers sa buong mundo ang kanyang alagang collie na si “Lassie.”
Kinumpirma ni Laurie Jacobson Provost, maybahay ng co-star ni Joey, ang paglisan ni Vieira na gumanapo na si Sylvester “Porky” Brockway sa TV series.
Si Joey ay 10 taon pa lamang nang magbida sa “Lassie”. Dito natunghayan ang mga adventures ni Lassie at ng kanyang amo sa farm ng pamilya Brockway.
Lumabas si Vieira sa 91 iba’t-ibang episode ng “Lassie”na nakasungkit ng dalawang Emmy Awards bilang “Best Family Television Show.
Matapos ang kanyang pagbida sikat na TV show, lumabas din si Vieira sa iba pang mga sikat na TV shows na tulad ng “Shirley Temple’s Storybook” at “My Three Sons”.
Sa- pag-edad niya, si Joey at lumabas din sa mga pelikula na tulad ng “Ferris Bueller’s Day Off” at “The Patriot”.
Wala pang inanusyong opisyal na dahilan ng kamatayan ni Vieira ngunit njabanggit na pumanaw siya sa isang hospice care matapos ma-ospital ng maraming araw.