top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Ipinatigil pagbitay sa senior citizen na pumatay sa kapwa senior

3/1/25, 1:28 PM

MONTGOMERY, Alabama - Ipinatigil ang pagbitay sa isang senior citizen na napatunayang pumatay sa isang 69-anyos na babae dahil sa hindi kumbinsido si Gov. Kay Ivey na tunay na nagkasala ang death convict.

Ibinaba sa life imprisonment ang sentensya kay 63 anyos Robin “Rocky” Myers sa halip na bitayin siya sa pamamagitan ng nitrogen gas poisoning sa katapusan ng taon.

Ngunit hindi na makalalabas pa sa preso si Myers dahil inalisan siya ng pribilehiyong makalaya sa parole.

Si Myers ay napatunayang pumatay kay Ludie Mae Tucker, 69 sa tahanan ng biktima sa Decatur home. Nakatira lamang sa tapat ang salarin na ayaw umamin sa krimen simula noong bistahan siya noong 1994.

Isang hurado ang sumuporta sa pakiusap ng akusado na kaawaan at palayain na.

Hindi ikinatuwa ni Attorney General Steve Marshall and esisyon ng gobernadora at sinabing siya ay nabigla.

Ito ang kauna-unahang pagpapatigil ni Ivey sa pagbitay sa isang napatunayang kriminal simula nang siya ay maupo bilang gobernador noong 2017.

Si Ivey ay nakapagpasiya na ng pagpapatuloy sa pagbitay ng 20 kriminal. Tinawag niya ang kanyang ginagawa bilang “one of the most difficult decisions I’ve had to make as governor.”

Nasentensiyahan ng bitay si Meyers sa pamamagitan lamang ng mga “circumstantial evidence”, ayon kay Ivey.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page